19/12/2025
ISANG TAGUMPAY PARA SA PLARIDEL DISTRICT, PLARIDEL! π
Mula sa simpleng simula, ang sipag, dedikasyon, at malasakit ay humahantong sa tunay na tagumpay. π±
Ang DepEd Tayo β Tabang Elementary School, sa pamumuno ng aming minamahal na School Principal, Dr. Manolo C. Cunanan, ay buong pusong nakikiisa sa buong distrito sa pagbibigay-pugay at pagbati sa aming iginagalang na Public Schools District Supervisor, Dr. Dulce Regina Chico Flores, sa pagkakaloob sa kanya ng βSDO Bulacan Gawad Bantayog 2025.β
Ang parangal na ito ay patunay ng inyong walang sawang paglilingkod, makabuluhang pamumuno, at malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral at g**o ng Plaridel. Patuloy ninyo kaming ginagabayan tungo sa mas mataas na antas ng kahusayan sa edukasyon.
Isang karangalan po para sa amin ang makapaglingkod sa ilalim ng inyong pamumuno. Ang tagumpay na ito ay tagumpay ng buong distrito.
Malugod na pagbati, Maβam Dulce!
Patuloy po kayong nagsisilbing inspirasyon at liwanag ng Plaridel. β¨