05/10/2026
DUMALO. MAKIALAM. MAKILAHOK. MAKIISA.
Inaanyayahan ang lahat ng residente sa kani-kanilang barangay na dumalo at aktibong makilahok sa Barangay Assembly Day β 2nd Semester CY 2026.
π Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 599, s. 2018 na nagdedeklara sa mga Sabado at Linggo ng Marso at Oktubre bilang Barangay Assembly Days, at sa DILG Memorandum Circular No. 2026-012 β Current Omnibus Guidelines for Barangay Assembly Day.
Sa Barangay Assembly, pagkakataon ng bawat residente na:
β
Malaman ang mga accomplishments, programa, proyekto, at kalagayang pinansyal ng barangay;
β
Magtanong at maglahad ng mga saloobin, suhestiyon, at concerns;
β
Magbigay ng mga rekomendasyon para sa ikauunlad ng ating komunidad; at
β
Aktibong makilahok sa pamamahala at pagpapaunlad ng ating barangay.
Layunin ng Barangay Assembly na itaguyod ang transparency, accountability, at active citizen participation sa ating komunidad.
Sama-sama nating palakasin ang boses at pakikilahok ng bawat residente para sa isang mas bukas, responsable, at maunlad na barangay!