03/03/2026
Pansamantalang itinitigil ang pagtanggap ng lahat ng International Outbound Mail Items (letter, parcel, at Express Mail Service o EMS) patungo sa mga bansang nakalista rito.
Dulot ito ng closure sa regional airspace sa mga transit point sa Dubai, UAE, at sa Doha, Qatar.
Magbibigay po kami ng update sa sandaling mag-resume ang acceptance ng international outbound mail items.