Office of the Municipal Planning and Development Coordinator- Pitogo,Quezon

Office of the Municipal Planning and Development Coordinator- Pitogo,Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of the Municipal Planning and Development Coordinator- Pitogo,Quezon, Government Organization, A. Mabini Street, Pitogo.

‼️FYI‼️Bilang pagsunod sa Presidential Memorandum Circular No. 114 na nag-uutos ng mahigpit na pagpapatupad ng energy co...
09/03/2026

‼️FYI‼️

Bilang pagsunod sa Presidential Memorandum Circular No. 114 na nag-uutos ng mahigpit na pagpapatupad ng energy conservation, naglabas ang Pamahalaang Bayan ng Pitogo ng Executive Order No. DLS-016 para sa Flexible Four-Day Workweek Arrangement, na nagsimula noong Marso 9, 2026.
Sa ilalim nito, ang mga tanggapan ng munisipyo ay magkakaroon ng pasok Lunes hanggang Huwebes, 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. Walang opisina tuwing Biyernes upang makatulong sa pagtitipid ng enerhiya.

Gayunpaman, patuloy na magbibigay ng serbisyo ang mga essential offices tulad ng MDRRMO, RHU, Solid Waste Management Workers, Pitogo Municipal Waterworks System personnel, at Bantay Dagat, na mananatili sa kanilang regular na iskedyul na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Tinitiyak ng Pamahalaang Bayan ng Pitogo ang tuloy-tuloy at maayos na serbisyo para sa lahat ng mamamayan. Salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

PAALALA SA PUBLIKOIpinababatid ng Pamahalaang Lokal ng Pitogo na magkakaroon ng Team Building Activity ang mga kawani ng...
18/09/2025

PAALALA SA PUBLIKO
Ipinababatid ng Pamahalaang Lokal ng Pitogo na magkakaroon ng Team Building Activity ang mga kawani ng LGU sa darating na Lunes hanggang Martes, Setyembre 22–23, 2025.
Dahil dito, walang transaksyon o operasyon sa mga opisina ng LGU sa nasabing mga araw. Muli pong magbabalik ang regular na serbisyo sa Miyerkules, Setyembre 24, 2025.
Kami po ay humihingi ng pang-unawa at paumanhin sa anumang abala na maidudulot nito.

Maraming salamat po.

Pamunuan ng LGU Pitogo, Quezon

"Local Youth Actions for the Sustainable Development Goals and Beyond" 🙌MPDC Mary Janet P. Balaba, EnP with our Little M...
18/08/2025

"Local Youth Actions for the Sustainable Development Goals and Beyond" 🙌

MPDC Mary Janet P. Balaba, EnP with our Little MPDC Frace Candice N. Lamigo from Pitogo Community High School during Linggo ng Kabataan 2025 - Junior Youth Officials. 🌟

Wishing you a fantastic birthday, MPDC Mary Janet!Your guidance makes all the difference — enjoy your special day.Greeti...
12/08/2025

Wishing you a fantastic birthday, MPDC Mary Janet!
Your guidance makes all the difference — enjoy your special day.

Greetings from: MPDC Family ❤

THE CHOSEN LAND OF SAN PABLO! Tara na at bisitahin ang Agri-Tourism Booth ng bayan ng Pitogo at tangkilikin ang PROdukto...
11/08/2025

THE CHOSEN LAND OF SAN PABLO!

Tara na at bisitahin ang Agri-Tourism Booth ng bayan ng Pitogo at tangkilikin ang PROduktong PITogohin!

NIYOGYUGAN NAAAAA!!! 🥥🌴

ADYO NA SA PITOGO, THE CHOSEN LAND OF SAN PABLO!

Tara na at bisitahin ang Agri-Tourism Booth ng bayan ng Pitogo at tangkilikin ang PROduktong PITogohin!

NIYOGYUGAN NAAAAA!!! 🥥🌴

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!Bukas na ang application para sa accreditation ng mga Civil Society Organizations (CSOs) na nais maging kinatawa...
06/08/2025

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃!

Bukas na ang application para sa accreditation ng mga Civil Society Organizations (CSOs) na nais maging kinatawan sa mga Local Special Bodies (LSBs) ng ating pamahalaang lokal.

Para po sa iba pang detalye, maaari rin po kayong makipag-ugnayan kay Konsehal Karl De Asis o sa tanggapan ng kalihim sa Sangguniang Bayan.

📋 Listahan ng mga Civil Society Organizations (CSOs)📣 Nandito na ba ang grupo n’yo?Kung wala pa sa listahan, may oras pa...
31/07/2025

📋 Listahan ng mga Civil Society Organizations (CSOs)

📣 Nandito na ba ang grupo n’yo?
Kung wala pa sa listahan, may oras pa para humabol!
Ang listahang ito ang magsisilbing batayan para sa pagpapadala ng Notice of Call for Accreditation ng Sangguniang Bayan.

➡️ Isinasagawa na ang accreditation ngayong Agosto 2025.

📌 Para sa mga tanong o para magsumite ng impormasyon,
makipag-ugnayan kay Gng. Mary Janet Balaba sa MPDC Office.

ℹ️ Para sa gabay at kumpletong detalye, maaaring tingnan ang DILG Memorandum Circular No. 2025-060 – Guidelines on the Accreditation of Civil Society Organizations (CSOs).

MALIGAYANG KAARAWAN PO, MAYOR DEXTER 'TOK' SAYAT! ♥️
23/07/2025

MALIGAYANG KAARAWAN PO, MAYOR DEXTER 'TOK' SAYAT! ♥️

𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐑𝐀𝐖𝐀𝐍, 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐃𝐄𝐗𝐓𝐄𝐑 𝐋𝐎𝐑𝐈𝐂𝐀 𝐒𝐀𝐘𝐀𝐓! ❤️

Isang taus-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag at minamahal na Punong Bayan, Mayor Tok L. Sayat.

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong tapat na paglilingkod at sa walang sawang pagtataguyod ng kapakanan at pag-unlad ng ating mahal na bayan.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng masaganang buhay, malusog na pangangatawan, at kasiyahan sa iyo at iyong buong pamilya. Gabayan ka din ng Maykapal upang maipagpatuloy ninyo ang inyong makabuluhang misyon sa pamahalaan at pagiging huwaran ng bawat Pitogohin.

Happy birthday po Mayor Toks! 🥳🥂🎉🎊

-Admin1

📣 MULING PAALALA PARA SA MGA CSO!Maging bahagi sa opisyal na listahan ng mga Civil Society Organization (CSO) para sa ga...
22/07/2025

📣 MULING PAALALA PARA SA MGA CSO!

Maging bahagi sa opisyal na listahan ng mga Civil Society Organization (CSO) para sa gaganaping na Call for Accreditation sa darating na Agosto taong 2025.

Deadline of Submission: July 31, 2025

Para mag-rehistro, maari ninyong i-access ang link na ito: https://forms.gle/Yqx9FHAV8isdcLVi6 o i-scan ang QR Code sa ibaba.
Para sa mga katanungan maari ring mag-sadya sa tanggapan ng Municipal Planning and Development Coordinator at hanapin si Ms. Mary Janet P. Balaba, MPDC.

🤝 Maging handa. Maging bahagi. Magsumite ng datos para sa CSO Inventory ngayon!
📣 “Ang aktibong CSO ay kabalikat sa tunay na pag-unlad ng pamayanan!”

Address

A. Mabini Street
Pitogo
4308

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of the Municipal Planning and Development Coordinator- Pitogo,Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share