04/09/2026
PAALALA PARA SA MGA BUNTIS‼️
Sa aming mga minamahal na buntis taos-puso po naming ipinapaabot ang isang mahalagang paalala.
Kung kayo po ay may planong manganak sa aming ospital (PDMDH), hinihiling namin na kayo ay magkaroon ng prenatal record sa aming pasilidad o kaya naman ay makapagpakonsulta at makapagpa-check-up sa aming OB-Gynecologist bago ang inyong panganganak.
Mahalaga po ito upang maayos na malaman at masuri ang inyong kasaysayan ng pagbubuntis at pangkalahatang kalagayan. Sa pamamagitan nito, mas mapapadali ang proseso ng inyong pagpasok at pangangalaga sa ospital, at mas mabibigyan kayo ng tamang gabay tungkol sa mga kinakailangang paghahanda, mga dapat gawin, at mga bagay na dapat iwasan para sa kaligtasan ng ina at ng sanggol.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa. Ang inyong kaligtasan at ang kalusugan ng inyong sanggol ang aming pangunahing layunin🤰💕
Ang check up ng mga buntis ay kada
MYERKULES at HUWEBES 8am-4pm