12/06/2021
LA MEDALLA HIGH SCHOOL
Call for KA-BRIGADA SA PAGBASA VOLUNTEERS ‼️
(preferably from Brgy. La Medalla, Caratagan, San Antonio and Panganiran)
Mga KA-BRIGADA! GPTA Officers, Barangay Officials, SK Officials, Alumni ng La Medalla, Community Professionals, Education/College Graduates, Mga magulang at iba pang Stakeholders o kaya ikaw ba ay isang Teacher-Applicant at wala pang teaching experience? Tara na’t maging isang KA-BRIGADA PAGBASA volunteer! 😊
Ang KABRIGADA PAGBASA ay programa ng Department of Education, Word Vision at Smart Foundation na naglalayong hikayatin at tulungan ang mga mag-aaral na matutong magbasa. Ito ay bilang paghahanda para sa susunod na taong panuruan (SY 2021-2022).
Ang mga KA-BRIGADA PAGBASA volunteers ay maaring pumili sa mga sumusunod na paraan ng pakikilahok:
A. Volunteer Reader – Ang isang volunteer reader ay tutulong sa mga Kindergarten to Grade 6 na mag-aaral upang sila ay maging bihasang mambabasa sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro sa kanila. Maari rin itong gawin sa mga high school students depende sa kanilang pangangailangan at abilidad.
B. Volunteer Tutor – Ang isang volunteer tutor ay magtuturo sa mga incoming Kindergarten at Grade 1 na studyante sa loob ng isang oras bawat araw. Ang volunteer ay maaring pumili ng kanilang tuturuan o di kaya’y depende sa ibibigay na assignment ng paaralan kung saan nais mag-aral ng mga bata.
C. Volunteer Book Donor – Ang isang volunteer book donor ay mag-bibigay ng mga libro at iba pang reading materials para magamit ng mga bata at ng paaralan
D. Volunteer Support – Ang isang volunteer support naman ay maaring magbigay ng pagkain, teaching materials o anumang kagamitan o tulong pinansyal upang magamit ng mga volunteers A, B at C.
Ang lahat na volunteers ay bibigyan ng Certificate of Recognition/Appreciation. Ang mga volunteer tutors naman ay bibigyan ng Certificate of Teaching Experience para sa kanilang contribusyon sa KA-BRIGADA PAGBASA na magagamit nila kapag nag-apply ng Teacher I item.
-Regional Memorandum No. 052, s. 2021
Brigada Basa Volunteers Registration Link:
https://docs.google.com/forms/d/1Ouv28jONzRRRoyr_-WOLE6TIHfZGutJSuqfXQFIQsIo/viewform?fbclid=IwAR2lDP24pFijKh_rUkvpfGBpypHMQiapg8tLPTqyMw-nJ7dWeKYJA9e43tU&edit_requested=true
Registration Deadline: June 15, 2021
Orientation/Training Schedule: June 18, 2021