Kikonnect

Kikonnect Mula sa barangay, patungo sa bagong yugto. Dating SK, laging ka-Kikonnect niyo. Abangan ang susunod na kabanata!
πŸ“ Wawa to the World

10/02/2026

For your information

β™₯️
05/02/2026

β™₯️

04/02/2026
Sa araw na ito, nais kong ipaalam sa publiko ang aking pasya na magbitiw sa aking tungkulin bilang SK Chairman ng ating ...
31/01/2026

Sa araw na ito, nais kong ipaalam sa publiko ang aking pasya na magbitiw sa aking tungkulin bilang SK Chairman ng ating Barangay Enero 31, 2026

Nililinaw ko na ang tunay at orihinal na itinakdang pagtatapos ng aking termino ay Disyembre 5, 2025, alinsunod sa itinakdang panahon ng panunungkulan. Ang aking pananatili matapos ang petsang ito ay hindi upang manatili sa posisyon, kundi upang matulungan ang maayos na pag-apruba ng badyet para sa susunod na pamunuan ng Sangguniang Kabataan, upang sila ay makapagsimula ng implementasyon nang maayos at hindi mahirapan.

Ang desisyong ito ay hindi naging madali. Ito ay bunga ng mahabang pagninilay at pagkilala sa hangganan ng aking kakayahan bilang isang indibidwal. Sa panahong ako ay naglingkod, sinikap kong gamitin ang posisyon hindi lamang para sa mga tradisyunal na gawain, kundi upang maghatid ng mga programang may mas malalim na layunin. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, nang may buong puso at malasakit.

Ang pagbibitiw ay hindi nangangahulugang pagkatalo. Ito ay isang desisyong ginawa nang may buong pag-unawa sa sarili at sa tungkuling ginampanan. Ang pag-alis sa posisyon matapos maglingkod nang tapat ay hindi kahinaan, kundi isang anyo ng tapang at pananagutan. Sa puntong ito ng aking buhay, pinipili kong bigyang-halaga ang aking personal na kapakanan at ang isang mas tahimik na pamumuhay. Hindi ito pagtalikod sa serbisyo, kundi isang pagpapasya na tapusin ang aking tungkulin nang maayos, tama, at may kapayapaan ng loob.

Ang aking termino bilang SK Chairman ay nagtapos noong Disyembre 5, 2025, at nagpatuloy ako ng ilang linggo upang tulungan sa maayos na pagproseso ng badyet ng sk para sa taong kasalukuyan para sa susunod na pamunuan. Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon sa proseso ng pag-aayos ng badyet, hindi na naging feasible ang agarang pag-apruba, kaya ipinagkatiwala ko ang proseso sa bagong SK at sa kanyang konseho.

Kasabay nito, nagbitiw na rin sa kanilang tungkulin ang aking katuwang sa pamunuanβ€”SK Secretary Christian D. Malvar at SK Treasurer Jelyn Lamarca. Sa loob ng 2 taon, 2 buwan, at 21 araw, buong puso naming inialay ang aming oras at kakayahan para sa kapakanan ng kabataan.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Diyos Ama, aming pamilya, Sa Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Erwin Malabay sampu ng kanyang konseho, Youth Volunteers lalo na kay Airah Monton, at sa aming mga tagapayo tulad nina Kuya Jay Mason at Jeremy Hernandez. Sa susunod na SK Chairwoman, Alyssa Lazo, buong puso naming ipinagkakatiwala ang pamumunoβ€”hangad namin na mahigitan pa ninyo ang aming nagawa.

Maraming salamat sa lahat ng kabataang naniwala at nagtiwala sa amin. We are rooting for all of you.

SK Chairman Kiko Hernandez
SK Secretary Christian Malvar
SK Treasurer Jelyn Lamarca

Para sa Maayos, Tama, at Tapat na paglilingkod sa inyong lahat.

29/01/2026

Save the Date: November 2, 2026

29/01/2026

Ang mahusay na lider ay hindi takot sa kritisismo at marunong kumilatis kung alin ang may malasakit at alin ang ingay lang.


29/01/2026

Takbo, gusto? Compute, ayaw?

Para sa mga tamad mag-compute kung makakatakbo pa ba sila sa SK, eto na ang guide:

βœ… Makakatakbo kung ipinanganak ng:

2002: November 2 to December 31
2003: January 1 to December 31
2004: January 1 to December 31
2005: January 1 to December 31
2006: January 1 to December 31
2007: January 1 to December 31
2008: January 1 to November 2 only

🟒 Oldest allowed: November 2, 2002
🟒 Youngest allowed: November 2, 2008

❌ Born before Nov 2, 2002 β†’ NOT eligible
❌ Born after Nov 2, 2008 β†’ NOT eligible


29/01/2026

πŸ“£ Sino ang Katipunan ng Kabataan (KK)?

Ang Katipunan ng Kabataan (KK) ay binubuo ng lahat ng kabataang Pilipino sa bawat barangay na:

βœ… Nakatira sa barangay nang hindi bababa sa 6 na buwan
βœ… May edad 15 hanggang 30 taong gulang
βœ… At rehistrado sa listahan ng botante ng COMELEC at/o nasa listahan ng KK na hawak ng SK Secretary
Ano ang papel ng KK?

1️⃣ Sila ang bumoboto para sa: 1 SK Chairperson
at Pitong (7) SK Kagawad

πŸ‘‰ Lahat ng kabataang kasama sa listahan ng SK voters ng COMELEC ay kwalipikadong bumoto.

2️⃣ Sila ang pinakamataas na policy-making body pagdating sa mga usaping kabataan sa barangay.

Ibig sabihin:

Ang SK ay dapat kumonsulta at kumuha ng pagsang-ayon ng mayorya ng KK (na may quorum) sa paggawa at pag-apruba ng mga:
πŸ‘‰ Plano
πŸ‘‰ Programa
πŸ‘‰ Proyekto at aktibidad para sa kabataan
Tulad ng CBYDP at ABYIP
πŸ€” Sa madaling sabi:

Ang KK ang puso at boses ng kabataan sa barangay. Hindi lang sila botante β€” sila ay dapat kasama sa pagdedesisyon kung anong direksyon ang tatahakin ng SK.



Address

Sitio 2, Brgy. Wawa
Pinamalayan
5208

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kikonnect posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share