02/09/2026
80 YEARS OLD NA, BAKIT NEXT YEAR PA RAW ANG ₱10,000?
May nagtanong sa atin: “80 na po ako nitong July 15 at kumpleto naman ang requirements ko. Bakit next year pa raw ang ₱10,000?”
Sa ilalim ng RA 11982 (Expanded Centenarians Act), ang mga Pilipinong umabot sa 80, 85, 90, at 95 years old ay kabilang sa mga milestone beneficiaries ng ₱10,000 cash gift, habang ₱100,000 naman para sa mga umabot ng 100 years old.
Pero tandaan po: ang pagiging eligible ay iba sa aktuwal na payout date. May proseso pa ng assessment, validation, at endorsement bago ang distribution.
Kung kayo ay kabilang sa milestone ages, maaari kayong mag-follow up sa inyong OSCA o LSWDO tungkol sa status ng inyong application at payout schedule.
80, 85, 90, 95, o 100 na ba kayo ngayong taon? I-comment ang inyong edad at lugar.
I-share ito sa inyong mga Ka-Senior para mas marami ang makaalam tungkol sa kanilang cash gift.