03/06/2026
TINGNAN: Philippine Coast Guard at Philippine Coast Guard Auxiliary, Nakiisa sa Brigada Eskwela 2026
Nakiisa ang CGSS Pililla at 109th PCGA Squadron sa Brigada Eskwela 2026 sa Halayhayin Elementary School. Bilang suporta sa paghahanda ng paaralan para sa pagbubukas ng klase, nagbigay ang 109th PCGA Squadron ng mga kagamitang panlinis at pintura para sa pagpapaayos ng pasilidad.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang grupo ng pagpipintura sa mga hagdan, pader, at bakod ng paaralan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at diwa ng bayanihan, naging matagumpay ang aktibidad sa pagpapaganda ng paaralan at pagpapanatili ng isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran para sa mga mag-aaral at g**o.