SB Hulo Pililla Rizal

Call Directions

SB Hulo Pililla Rizal

21/10/2026

πŸ“’πŸ“’πŸ“’ ANUNSYO πŸ“’πŸ“’πŸ“’

Inaanyayahan po ang mga lehitimong residente ng Barangay Hulo ng mga sumusunod na sektor upang magparehistro at magpalista sa Barangay Hall ng Hulo NGAYON, OKTUBRE 22, 2026 8AM - 5PM:
βœ… Mga Domestic Helper na nagtatrabaho sa abroad at taga-Barangay Hulo
βœ… Mga PCSO-STL Sales Representative
βœ… Mga Serbidora sa Canteen
βœ… Mga Nangangalakal
βœ… Mga Kasambahay
βœ… Mga Sorbetero
βœ… Mga Magtataho
βœ… Mga Masahista
βœ… Mga Manghihilot
βœ… Mga Nagtatawas
βœ… Mga Labandera
βœ… Mga Plantsadora
βœ… Mga Manikurista
βœ… Mga Food Vendor
βœ… Mga Fruit Vendor

Sadyain lamang po ang Barangay Hall ng Hulo at hanapin si Sec Leo Amores. Huwag kalimutang magdala ng voter's ID o anumang valid ID bilang patunay ng inyong pagkakakilanlan.

Layunin po nito na magkaroon ang ating barangay ng maayos at kumpletong talaan ng mga miyembro ng bawat sektor na lehitimong residente ng Barangay Hulo. Mahalaga po ang inyong pakikiisa upang mas maayos na matukoy at maitala ang bilang ng mga manggagawa at kabilang sa iba't ibang sektor sa ating komunidad. Hinihikayat po ang lahat ng kabilang sa mga nabanggit na sektor na makipag-ugnayan at magpalista sa barangay.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa!

Mula sa Sangguniang Barangay ng Hulo, maligayang kaarawan Gov. Nina Ynares! Mabuting kalusugan at patuloy na pagpapala s...
20/10/2026

Mula sa Sangguniang Barangay ng Hulo, maligayang kaarawan Gov. Nina Ynares! Mabuting kalusugan at patuloy na pagpapala sa inyo at sa inyong pamilya!

PAANYAYA - TRICK OR TREATMga chikiting ng Barangay Hulo! Excited na ba kayo sa nalalapit na trick or treat sa ating bara...
19/10/2026

PAANYAYA - TRICK OR TREAT

Mga chikiting ng Barangay Hulo! Excited na ba kayo sa nalalapit na trick or treat sa ating barangay?

Kung ikaw ay sampung taon gulang pababa at residente ng Brgy. Hulo, tanungin na ang inyong magulang kung pwede kayong ipalista dahil ito ay may P50 registration fee. May mga palaro, snacks at maraming prizes na naghihintay!

Hanapin lamang po si Mrs. Geraldine Lopez o si Tres. Liza S.J. Gorospe sa ating barangay hall. Hanggang Oktubre 27 lamang po ang huling araw ng pagpapatala. Kita kits!

MGA PAMANTAYAN AT GANTIMPALA SA COSTUME CONTEST
Criteria for Judging:
Creativity & Originality - 40%
Kakaibang konsepto, kagandahan ng ideya, at mga bagong pamamaraan o kakaibang disenyo sa mga klasikong kasuotan.
Workmanship & Effort - 35%
Kalidad ng pagkakayari, atensyon sa maliliit na detalye, at tiyaga sa pagbuo, pag-aangkop, o pag-aayos ng buong kasuotan.
Presentation & WOW Factor - 25%
Pagsasabuhay sa karakter, lakas ng dating, at kung gaano kabisa naipapakita ng buong kasuotan ang nakakatakot at masayang diwa ng Halloween.

* Kategoryang Pinaka-Nakakatakot (Scariest Costume)
* 1st Prize: 3,000
* 2nd Prize: 2,000
* 3rd Prize: 1,000
* Kategoryang Pinaka-Cute (Cutest Costume)
* 1st Prize: 3,000
* 2nd Prize: 2,000
* 3rd Prize: 1,000

Karagdagang Detalye
* Consolation Prizes: Ibibigay sa mga kalahok na hindi pinalad na pumasok sa top three.
* Magdala ng sariling loot bag. Kailangang magdala ng sariling bag, basket, o timba ang lahat ng kalahok para may paglagyan ng mga kendi at giveaways.

18/10/2026

Barangay Assembly Day 2026
2nd Semester (Accomplishment Report)
March 2026 to September 2026

Matagumpay na naidaos ng Barangay Hulo ang Barangay Assembly na may temang "Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan at Sama-samang Pagkilos para sa ating Komunidad".

Taos pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punong-Bayan John V. Masinsin, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong-Bayan Dan V. Masinsin, mga konsehal at kay Ma'am Annalyn Marzan, MLGOO head of office ng ating munisipyo.

Pasasalamat din po sa iba't ibang samahan ng Barangay Hulo na dumalo at nakiisa sa nasabing aktibidad.

BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026 2nd Semester (March to September 2026)October 17, 2026Matagumpay na naidaos ng Barangay Hulo ...
18/10/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026
2nd Semester (March to September 2026)
October 17, 2026

Matagumpay na naidaos ng Barangay Hulo ang Barangay Assembly na may temang "Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan at Sama-samang Pagkilos para sa ating Komunidad".

Taos pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punong-Bayan John V. Masinsin, sa Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong-Bayan Dan V. Masinsin, mga konsehal at kay Ma'am Annalyn Marzan, MLGOO head of office ng ating munisipyo.

Pasasalamat din po sa iba't ibang samahan ng Barangay Hulo na dumalo at nakiisa sa nasabing aktibidad.

15/10/2026

Sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Hulo, Pamahalaang Bayan ng Pililla sa pangunguna ni Mayor John V. Masinsin at kumpanya ng Iconville ay matagumpay na naipaayos ang drainage canal na butas na at babagsak na sa Sitio Tabako at nagawan ng harang ang lupa sa tuluyan nitong pagkaubos.

Taos pusong pasasalamat po sa ating pamahalang bayan at sa kumpanya ng Iconville. Napakalaking tulong po nito lalo sa mga kabarangay namin na taga Sitio Tabako.

Sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Hulo,  Pamahalaang Bayan ng Pililla sa pangunguna ni Mayor John V. Masin...
15/10/2026

Sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Hulo, Pamahalaang Bayan ng Pililla sa pangunguna ni Mayor John V. Masinsin at kumpanya ng Iconville ay matagumpay na naipaayos ang drainage canal na butas na at babagsak na sa Sitio Tabako at nagawan ng harang ang lupa sa tuluyan nitong pagkaubos.

Taos pusong pasasalamat po sa ating pamahalang bayan at sa kumpanya ng Iconville. Napakalaking tulong po nito lalo sa mga kabarangay namin na taga Sitio Tabako.

Address

Hulo
Pililla
1910

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639364681969

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SB Hulo Pililla Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share