19/06/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | ๐ฆ๐ฒ๐ฒ๐ฑ ๐ด๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ ๐ฎ๐ ๐ถ๐ป๐๐ฝ๐ฒ๐ฐ๐๐ผ๐ฟ๐ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ฐ๐ผ๐น, ๐ฑ๐๐บ๐ฎ๐น๐ผ ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ต๐ผ๐น๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐' ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฃ๐-๐ก๐ฆ๐ค๐๐ฆ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป ๐ฉ๐ฑ
Ang mga seed growers at inspectors mula sa Albay, Sorsogon, Catanduanes, at Masbate, kasama ang mga katuwang na ahensiya, ay lumahok sa ginanap na Stakeholdersโ Meeting na isinagawa ng Bureau of Plant Industry โ National Seed Quality Control Services (BPI-NSQCS) Region V, sa Albay Rice Station, Tula-Tula, Ligao City, Albay, kahapong Hunyo 18, 2026.
Unang nagbigay ng mga paunang mensahe sina Marites R. Reyes, Chief ng BPI-NSQCS Region V, Florentino D. Ubalde Jr., Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) ng Albay, Rene A. Delos Reyes, Chairperson ng Provincial Agriculture and Fishery Council, at Daryll John O. Buenconsejo, OIC - Provincial Agriculturist ng Albay. Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga seed growers, lokal na pamahalaan, at mga ahensiya ng gobyerno upang matiyak ang sapat na suplay ng de-kalidad na binhi para sa mga magsasaka.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Governor Roel E. Rosal ang pagsusulong ng ๐ถ๐ป๐ฐ๐น๐๐๐ถ๐๐ฒ ๐ด๐ฟ๐ผ๐๐๐ต sa sektor ng agrikultura. Ayon sa kanya, mahalagang matiyak na ang mga magsasaka at seed growers ang direktang nakikinabang sa kanilang produksyon. Hinikayat din niya ang patuloy na pagkakaisa ng pamahalaan at mga katuwang na sektor upang maisulong ang mas produktibo, matatag, at inklusibong industriya ng binhi sa rehiyon.
Sa naging presentasyon ni Marites R. Reyes, ibinahagi ang kasalukuyang status report ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Certification sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, at Masbate. Tinalakay rito ang bilang ng mga sako ng binhing nakapasa sa seed certification, mga na-reject, at mga sample na kasalukuyan pang sumasailalim sa seed testing. Naging daan din ang ulat upang mabigyan ng malinaw na larawan ang mga seed growers hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng seed certification sa rehiyon.
Sinundan ito ng presentasyon ng DA-PhilMech hinggil sa mga mechanization program na maaaring mapakinabangan ng mga seed growers. Ipinaliwanag ng ahensiya ang iba't ibang makinaryang pang-agrikultura at mga programang maaaring ma-avail ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
Magkasunod namang nagbigay ng presentasyon sina Primalou B. Imperial, OICโAssistant Center Director ng ATIโBicol, at Florentino D. Ubalde Jr., APCO ng Albay. Tinalakay ni Imperial ang RCEF Training and Extension Services na naglalayong palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka at seed growers sa pamamagitan ng iba't ibang pagsasanay at extension activities. Samantala, ibinahagi naman ni Ubalde ang implementasyon ng Rice Program para sa Fiscal Year 2026, kabilang ang mga prayoridad na programa, target, at mga inisyatibang nakatuon sa pagpapataas ng produksyon at pagpapaunlad ng industriya ng palay sa lalawigan.
Ibinahagi naman ni Anthony Romeo S. Rivera, RCEF Coordinator ng PhilRice Region V, ang kasalukuyang status ng pagpapatupad ng RCEF Seed Program sa rehiyon. Kabilang sa kaniyang tinalakay ang seed commitment, seed allocation, seed deliveries, at seed distribution, na nagsisilbing batayan sa pagsubaybay sa implementasyon ng programa sa iba't ibang lalawigan.
Bilang huling bahagi ng programa, nagbigay ng presentasyon sina Jose N. Tormes, Agriculturist II, at Caroline A. Sanchez, Report Officer, kapwa mula sa BPIโNSQCS Region V. Tinalakay ni Tormes ang mga update sa status ng accreditation ng mga seed growers sa buong rehiyon, gayundin ang Rice Seed Information System (RSIS) Project na naglalayong mapahusay ang pamamahala at monitoring ng impormasyon kaugnay ng seed production at certification. Samantala, ipinaliwanag naman ni Sanchez ang status ng seed certification process, kabilang ang mga hakbang at itinakdang processing time na kailangang pagdaanan upang makamit ng mga binhi ang sertipikasyon bilang de-kalidad na certified seeds.