Organic Agriculture Program - Bicol

Organic Agriculture Program - Bicol Official page of the Organic Agriculture Program, Department of Agriculture – Regional Field Office 5

01/06/2026

Kilalanin si “Black Soldier Vanessa”… este, Black Soldier Fly (BSF)!

Ang BSF ay isa sa mga pinakamabisang tagapagproseso ng organikong basura sa kalikasan. Ang Larvae nito ay mataas sa protina at masustansiyang pakain para sa mga alagang manok, itik, at isda.

Bukod dito, nakatutulong ang BSF sa pagbabawas ng basura at pagpapababa ng carbon emissions. Dahil dito, nagiging mas sustenable, mas makakalikasan, at mas matipid ang produksyon ng pagkain.

Mula sa basura tungo sa pakinabang, ipinapakita ng BSF na sa kalikasan, walang nasasayang kapag ang mga yaman nito ay nagagamit nang wasto at responsable.

26/05/2026
26/05/2026
18/05/2026
10/05/2026

𝗜𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 “𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔” 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗜!

Ikaw ba ay may aning mahabang talong? 🍆
O kaya naman malaking kamote? 🍠
O baka naman mabigat na bunga ng pakwan 🍉 at iba pang gulay o prutas?

Sumali na sa “𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔” 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟲 ng Department of Agriculture Regional Field Office 5 at ipakita ang galing ng magsasakang Bikolano!

📌 Basahin ang mechanics at guidelines sa poster upang makasali.
📌 Isaalang-alang ang mga gulay o prutas na nakasaad sa poster na maaaring isama sa entry.
📌 Bukas ito sa lahat ng bonafide farmers sa Bicol Region na rehistrado sa RSBSA.

𝗠𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮, 𝗺𝗮𝗸𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗿𝗲𝗺𝘆𝗼 sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda!

Dahil ang bawat ani ay bunga ng sipag, tiyaga, at pagmamahal sa agrikultura. 👩🏼‍🌾



06/05/2026

Ngayong Mayo ay ipinagdiriwang ang buwan ng Magsasaka at Mangingisda kasabay ng kapistahan ni San Isidro Labrador – patron ng mga magsasaka. Halina’t maki-isa sa aming inihandang simpleng isang linggong selebrasyon mula Lunes, Mayo 11 hanggang Biyernes, Mayo 15, 2026 sa DA Bicol compound, San Agustin, Pili, Camarines Sur.

SAN JOSE, CAMARINES SUR – Pormal nang pinasinayaan ang P5M Bio Control and Trichoderma Facility na ipinatayo ng DA Bicol...
29/04/2026

SAN JOSE, CAMARINES SUR – Pormal nang pinasinayaan ang P5M Bio Control and Trichoderma Facility na ipinatayo ng DA Bicol Organic Agriculture Program sa Bgy. Buklod bayang ito, ngayong araw, ika-29 ng Abril 2026. Ang proyekto ay bahagi ng Organic Agriculture Livelihood Project.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga input sa agrikultura, layunin ng pasilidad na magbigay ng mas abot-kaya at sustainable alternative para sa mga magsasaka. Sa pamamagitan nito, mapapalakas ang lokal na produksyon ng mga biocontrol agents tulad ng Trichoderma at earwig na nagsisilbing natural na panlaban sa peste ng mais at palay at pagpapabuti ng kalusugan ng lupa.

Target ng BioCon Facility ang makapag-supply ng humigit-kumulang 10,000 pakete ng Trichoderma at 3 milyong piraso ng earwig taun-taon, na inaasahang makikinabang ang 23 barangay sa San Jose at humigit-kumulang 2,000 magsasaka at mga asosasyon. Bahagi rin ng inisyatibo ang pagsusulong ng organic agriculture at paghikayat sa mga magsasaka na makamit ang sertipikasyon sa ilalim ng Participatory Guarantee System (PGS).

Binigyang-diin ni Dr. Maria Christina F. Campita, Organic Agriculture Focal Person, ang patuloy na suporta ng DA Bicol sa pagpapatupad ng programa. Kasabay nito, nagsagawa rin ng pagsasanay ngayong araw ang DA RFO 5 Regional Crop Protection Center bilang bahagi ng pagpapalakas ng kaalaman ng mga magsasaka.

Pinuri rin ni Engr. Joey A. Belarmino, ATI Center Director, ang pasilidad at nangakong magsagawa ng mga capability-building activities para sa Municipal Agriculture Office, mga magsasaka, kooperatiba, at asosasyon. Hinikayat din niya ang pagsusumite ng mga proposal para sa mga training na tutugon sa pangangailangan ng operasyon ng pasilidad.

Ayon naman kay Hon. Jerold B. Peña, Municipal Mayor ng San Jose, mahalaga ang ganitong pasilidad upang mailapit ang serbisyo sa mga magsasaka at mapalakas ang kita sa pamamagitan ng paggamit ng organic inputs.

“We are creating simpler solutions, we are here to study, learn and apply practicalities for sustainable farming,” ani Mayor Peña.
(ulat ni Cyril A. Baldoza, Research Division)

Address

Second Floor, Research Division Building, San Agustin
Pili
4418

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Organic Agriculture Program - Bicol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share