DA 4K Program Bicol

DA 4K Program Bicol Serbisyo para sa mga Bicolanong Katutubo

25/08/2026

IPs natuto ng Sloping Agricultural Land Technology

Panoorin sina Dominick A. Bagacina, ng Tadyong Tribal Farmers Assn. Inc. Iriga City at Jose V. Tuazon II, ng Tribal Farmers and Workers Assn., Sangay Cam. Sur. Sila ay nakarating sa Bohol at nakilahok sa 5-araw na pagsasanay hinggil sa Sloping Agricultural Land Technology (SALT) for Diversified and Sustainable Upland Farming in Ancestral Domains.

Isinagawa ng Department of Agriculture – Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA 4K Program) National Program Management Office (NPMO) at Bureau of Soils and Water Management (BSWM).
Natutunan ng mga kalahok ang mga praktikal na paraan upang maiwasan ang soil erosion, landslides, at mabilis na pag-agos ng tubig sa mga kabundukan, at pagpapataas ng ani at kita sa pamamagitan ng plant diversification.

21/08/2026

Panoorin sina Elena C. Abad, Tribal Chieftain ng Agta Tabangnon sa Buhi, Camarines Sur at Ernest A. Banzales, Municipal Indigenous People Mandatory Representative ng Sagñay, Cam. Sur. Ang kanilang mga tribo ay kabilang sa mga natulungan ng DA 4K program sa pamamagitan ng planting materials, farm tools and implements, animal dispersal at mga pagsasanay.

Mahigit 100 katutubo nakiisa sa DA Bicol sa pagdiriwang ng Araw ng mga KatutuboSAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR – “Ako p...
20/08/2026

Mahigit 100 katutubo nakiisa sa DA Bicol sa pagdiriwang ng Araw ng mga Katutubo

SAN AGUSTIN, PILI, CAMARINES SUR – “Ako po ay natutuwa dahil nabigyan ng pansin 'yong mga katutubong Agta-Tabangnon dito sa Camarines Sur, patungkol sa pagsasaka.”

Ito ang pahayag ni Ernesto A. Banzales, Municipal Indigenous People Mandatory Representative mula sa Sagñay, Camarines Sur.

Isa si Ernesto sa 102 katutubo na nakiisa sa paggunita ng International Day of the World’s Indigenous Peoples nitong Agosto 12, 2026, na isinagawa ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program sa Regional Rice Training and Convention Center, DA Bicol compound.

Layunin ng aktibidad na kilalanin at bigyang-halaga ang kultura, karapatan, at mahalagang ambag ng mga katutubo sa agrikultura at lipunan. Mga IP communities mula sa l Buhi, Sagñay, Baao, at Iriga City, Camarines Sur ang dumalo.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Regional Executive Director Redel P. Tornilla ang patuloy na pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga katutubo. Aniya, anuman ang ahensyang kanilang lapitan para sa pangangailangan at suporta, dapat silang mabigyan ng nararapat na atensyon at prayoridad, lalo na sa Kagawaran ng Pagsasaka na nagpapatupad ng 4K Program para sa mga katutubong pamayanan.

Bilang bahagi ng programa, tinalakay ni Engr. Rosyl F. Tabla, pinuno ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Camarines Sur Provincial Office (CSPO) ang mga karapatan ng mga katutubo sa ilalim ng Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA), gayundin ang Free, Prior and Informed Consent (FPIC) Process. Layunin nitong maipaliwanag sa mga kalahok ang kanilang mga karapatan at ang wastong proseso hinggil sa paggamit at pangangalaga ng kanilang ancestral domain.

Tinalakay sa aktibidad ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan para sa mga katutubong magsasaka, kabilang ang RSBSA at kahalagahan ng pagpaparehistro, mga programa ng GAD, Corn Program, Rice Program, at High Value Crops Development Program (HVCDP), na naglalayong mapalawak ang kanilang access sa suporta, oportunidad, at mga serbisyong pang-agrikultura.

Sa pamamagitan ng pagdiriwang, hindi lamang kinilala ang kultura, karapatan, at identidad ng mga katutubo, kundi binigyang-diin din ang kahalagahan ng kanilang aktibong pakikilahok sa pagpapaunlad ng agrikultura. Patuloy na isusulong ng Kagawaran ng Pagsasaka ang mga programang naglalayong magbigay ng mas inklusibo, makabuluhan, at angkop na suporta sa mga katutubong pamayanan sa Bicol.

Ulat ni: Vincent Emil Pasumbal
Mga kuhang larawan ni: Z.Abogado

19/08/2026
18/08/2026
15/08/2026

Maligayang Anibersaryo, DA 4K Program!

Walong taon ng dedikasyon, malasakit, at makabuluhang paglilingkod para sa ating mga Kababayang Katutubo. Patuloy nating isabuhay ang ating adhikain: “Empowering Indigenous Peoples Toward Self-Determination.”



08/08/2026

Dating niyog lamang, ngayon ay may malawak na pinyahan na! 🍍✨
Tuklasin kung paano nakatulong ang DA Bicol 4K Program sa ating mga katutubong magsasaka ng Tadyong Tribal Farmers Association Inc. sa Brgy. San Pedro, Iriga City, Camarines Sur—Sila ay nabigyan ng 50,000 pcs pineapple planting materials at abono ng 4K program. Tinuruan din sila hinggil sa pineapple production sa mga training. 💚

31/07/2026

𝙋𝙖𝙜𝙪𝙞𝙧𝙪𝙢𝙙𝙤𝙢 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖-𝘼𝙜𝙧𝙞! Kung kayo ay kasali sa Batch 1 and 2 ng PAFFP beneficiaries, at hindi pa naka-claim ng P2,325, magpunta na po sa 𝐑𝐞𝐬𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡 𝐎𝐮𝐭𝐫𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 o APCO Office sainyong probinsya ngayong araw Hulyo 31, 2026. Magdala ng valid ID.

𝐌𝐠𝐚 𝐏𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐕𝐞𝐧𝐮𝐞:
📍 Department of Agriculture – Regional Field Office 5 (Covered Court) - Brgy. San Agustin, Pili, Camarines Sur

📍 Agricultural Program Coordinating Office (APCO) - Brgy. Cabagñan, Camalig, Albay

📍 Albay Research and Development Center, Albay Experiment Station (ARDC-AES) - Mayon Crossing, Brgy. Buang, Tabaco City, Albay

📍 Sorsogon Dairy Production Technology Center (SDPTC) - Brgy. Cabid-an, Sorsogon City, Sorsogon

📍 Camarines Norte Lowland Rainfed Research Station (CNLRRS) - Brgy. Calasgasan, Daet, Camarines Norte

📍 Masbate Center for Livestock Development, Masbate Breeding Station (MCLD-MBS) -Brgy. Asid, Masbate City, Masbate

📍 Catanduanes Hilly-Upland Development Station (CHUDS) - Brgy. Casoocan, Virac, Catanduanes

21/07/2026

Address

Department Of Agriculture Regional Field Office No. 5
Pili
4418

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DA 4K Program Bicol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DA 4K Program Bicol:

Shortcuts

Share