03/09/2026
CAMSUR PPO, NAKIISA SA NATIONWIDE SIMULTANEOUS SCHOOL SAFETY DRILL FOR ACTIVE ATTACK NG DEPARTMENT OF EDUCATION
PILI, CAMARINES SUR — Sa ilalim ng pamumuno ni PCOL TYRONE R DOTIMAS, Officer-in-Charge, Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nakiisa ang CSPPO, katuwang ang Pili Municipal Police Station (MPS) at Department of Education (DepEd) Camarines Sur, sa isinagawang Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack ngayong Setyembre 3, 2026, sa San Jose National High School, Brgy. San Jose, Pili, Camarines Sur.
Lumahok sa aktibidad sina PLTCOL NICEL B COMPAÑERO, Deputy Provincial Director for Operations (DPDO); PLTCOL DINO BEN E REGASPI, Chief, Police Community Affairs and Development Unit (PCADU); at PCPT LANIE M DINAY-OG, Assistant Chief, Provincial Operations Management Unit (POMU), kasama ang mga tauhan ng Pili MPS sa pangunguna ni PLTCOL JABESH N NAPOLIS, Chief of Police, at mga kinatawan ng DepEd Camarines Sur.
Nagsilbing External Evaluators sina PLTCOL COMPAÑERO, PLTCOL REGASPI, at PCPT DINAY-OG sa naturang drill. Kanilang tinasa ang preparedness at readiness ng paaralan at iba pang concerned stakeholders sa pagtugon at pamamahala sa isang simulated active attack/shooting incident, partikular sa pagpapatupad ng mga itinakdang emergency response, evacuation, coordination, at security protocols.
Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, nasusukat ang kakayahan ng paaralan at mga katuwang na ahensya na kumilos nang mabilis, organisado, at koordinado sa panahon ng emergency. Nakatutulong din ito upang matukoy ang mga aspeto ng kasalukuyang safety and security measures na maaari pang mapahusay upang higit na maprotektahan ang mga mag-aaral, g**o, school personnel, at iba pang nasa loob ng paaralan.
Binigyang-diin ng Camarines Sur PPO ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon ng kapulisan, DepEd, school authorities, at iba pang stakeholders sa pagpapalakas ng school safety and security preparedness.
Sa pamumuno ni PCOL DOTIMAS, patuloy na susuportahan ng Camarines Sur PPO ang mga programang naglalayong paigtingin ang kahandaan ng mga paaralan laban sa anumang banta sa seguridad at mapanatili ang isang ligtas, maayos, at protektadong learning environment para sa bawat mag-aaral at g**o sa lalawigan ng Camarines Sur.
Police Regional Office 5
Philippine National Police