03/06/2026
๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐๐๐ง-๐ฉ๐๐ช๐ ๐๐๐ป๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐ ๐๐๐๐ฒ๐๐๐บ๐ฒ๐ป๐, ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ฎ๐ฟ.
Muling nakamit ng Bayan ng Pilar ang pinakamataas na marka sa FY 2026 Functionality Assessment ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) na isinagawa ng Provincial Inter-Agency Monitoring Team (PIMT) noong Mayo 19, 2026.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Pilar sa pangunguna ni Mayor Charlie Pizarro, katuwang ang mga miyembro ng LCAT-VAWC at ibaโt ibang ahensya, sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatibong nagtataguyod ng karapatan, proteksyon, at kapakanan ng kababaihan at mga bata.
Patunay ito ng patuloy na dedikasyon ng Bayan ng Pilar sa pagsusulong ng isang ligtas, maayos, at mapagkalingang komunidad para sa lahat.