04/06/2026
Patuloy ang National Irrigation Administration Cavite-Batangas IMO sa pagsasagawa ng mga programang naglalayong mapalawak ang kaalaman at mapataas ang kabuhayan ng mga magsasaka. Kaya naman muling inilunsad ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poeverty (EPAHP) 6.0 Beyond the Grain: Empowering Cavite National Irrigation System (NIS) Irrigators' Associations through Crop Diversification.
Layunin ng programang ito na hikayatin ang mga rice farmers na magkaroon ng sapat na kaalaman sa kahalagahan ng crop diversification. Pangungunahan ang serye ng pagsasanay nina Farmer Scientists Josellito Tibayan at Allan Tibayan, na magbabahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa teknolohiya at praktikal na pamamaraan sa pagsasaka.
Tututukan din dito ang organic farming tehniques upang mapanatili ang kalusugan ng lupa at mapababa ang production cost nang hindi naaapektuhan ang kalidad ng ani.
sa