Sangguniang Barangay Bukal Pila, Laguna

Sangguniang Barangay Bukal Pila, Laguna Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Barangay Bukal Pila, Laguna, Government Organization, Purok 2 Brgy. Bukal, Pila.

CπŽπŒπŒπ”ππ€π‹ 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐀𝐍𝐃 π‘πˆπ•π„π‘ π’π„π„πƒπˆππ† 🐟Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga at pagpapayaman ng ating yamang-tubig, matagu...
08/07/2026

CπŽπŒπŒπ”ππ€π‹ 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐀𝐍𝐃 π‘πˆπ•π„π‘ π’π„π„πƒπˆππ† 🐟

Bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga at pagpapayaman ng ating yamang-tubig, matagumpay na isinagawa ngayong Hulyo 8, 2026 ang Communal Water and River Seeding sa Ilog Sebol, kung saan isinagawa ang pagpapakawala ng 121,000 semilya ng tilapya upang makatulong sa pagpapanumbalik at pagpapaunlad ng ating likas na yaman.

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Bukal sa Provincial Government of Laguna, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist, gayundin sa Department of Agriculture – Pila, sa pangunguna ni Sir Milo Palacol, sa kanilang walang sawang suporta at pakikiisa sa mga programang nagtataguyod ng napapanatiling pangangalaga sa kapaligiran at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang ating Punong Barangay, Kgg. Christopher C. Suello, kasama ang Committee on Agriculture sa pangunguna ni Kgg. Guillermo E. Pumar, ang buong Sangguniang Barangay, mga kawani ng Barangay, at iba pang katuwang sa pamayanan sa pagsasakatuparan ng makabuluhang gawaing ito.

Ang programang ito ay hindi lamang tungkol sa pagpapakawala ng mga semilya ng isda, kundi isang hakbang tungo sa pangangalaga ng ating mga ilog, pagpapanatili ng balanse ng kalikasan, at pagtiyak na may mapapakinabangang yamang-tubig ang kasalukuyan at ang mga susunod na henerasyon.

Sama-sama nating pangalagaan ang ating Ilog Sebol. Ang bawat munting hakbang ngayon ay puhunan para sa isang masagana, luntian, at maunlad na Barangay Bukal. πŸ’šπŸŸπŸŒΏ






PAUNAWA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY BUKAL πŸ“’πŸ“’Narito po ang Schedule ng Pagtatapon ng Basura sa ating barangay. Inaa...
06/07/2026

PAUNAWA SA LAHAT NG RESIDENTE NG BARANGAY BUKAL πŸ“’πŸ“’

Narito po ang Schedule ng Pagtatapon ng Basura sa ating barangay. Inaanyayahan po ang lahat na sundin ang itinakdang araw, lugar, at oras ng pagtatapon upang mapanatiling malinis at maayos ang ating komunidad.

♻️ PAALALA:
βœ… Panatilihing maayos ang pagbubukod-bukod ng basura.
βœ… Ang mga diaper ay ilagay sa sako, huwag sa plastic.
βœ… Huwag ilabas ang basura sa gabidahil ito ay kinakalat ng mga a*o.

Ang inyong pakikiisa at disiplina ay malaking tulong upang mapanatili nating malinis, ligtas, at maayos ang ating Barangay Bukal.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

OPLAN LINIS ILOG SEBOLIsinagawa ang Oplan Linis Ilog Sebol bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalikasan at pagp...
05/07/2026

OPLAN LINIS ILOG SEBOL

Isinagawa ang Oplan Linis Ilog Sebol bilang bahagi ng patuloy na pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga daluyan ng tubig. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga opisyal, kawani, at mga boluntaryo ng barangay, nalinis ang mga naipong basura at iba pang sagabal sa ilog upang makatulong sa pag-iwas sa pagbaha, mapanatili ang maayos na daloy ng tubig, at mapangalagaan ang ating kapaligiran.

"Malinis na Ilog, Ligtas na Pamayanan".

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day 2026 at bilang suporta sa adhikain ng Pamahalaan na mapangalagaan at mapana...
25/06/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day 2026 at bilang suporta sa adhikain ng Pamahalaan na mapangalagaan at mapanatili ang isang malinis, ligtas at luntiang kapaligiran, ang Sangguniang Barangay Bukal at Sangguniang Kabataan ay nakiisa sa isinagawang SIMULTANEOUS TREE PLANTING ACTIVITY na ginanap sa Zone IV at Zone I Purok 2, Brgy. Bukal Pila Laguna.

24/06/2026

πŸ“’ ANUNSYO SA PUBLIKO

Magandang araw po sa ating mga kabarangay!

Dahil ang dating page ng Barangay ay kasalukuyang na-restrict, kami po ay gumawa ng bagong opisyal na page ng Barangay upang patuloy naming maibahagi ang mahahalagang anunsyo, programa, at mga aktibidad ng ating barangay.

πŸ‘‰ Inaanyayahan po namin ang lahat na i-Like, Follow, at i-Share ang aming bagong page upang manatili kayong updated sa mga balita at serbisyo ng ating barangay.

πŸ“Œ Bagong Opisyal na Facebook PSangguniang Barangay Bukal Pila, Lagunauna]

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.

– Sangguniang Barangay Bukal
"Nagkakaisang paglilingkod para sa mas maunlad na Barangay Bukal."

Address

Purok 2 Brgy. Bukal
Pila
4010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay Bukal Pila, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share