Team Pikit Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Team Pikit Pantawid Pamilyang Pilipino Program SULONG PIKIT BAYANG MARIKIT,BAWAT BUHAY AY MAHALAGAโค๐Ÿ’™๐Ÿ’š

29/05/2026
โค๐Ÿ’™๐Ÿ’š๐Ÿ’›
29/05/2026

โค๐Ÿ’™๐Ÿ’š๐Ÿ’›


๐Ÿ“ข PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps ๐Ÿ“ขBilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikaya...
29/05/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA MGA PAMILYANG 4Ps ๐Ÿ“ข

Bilang pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 ng Department of Education (DepEd), hinihikayat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang lahat ng beneficiaries, kabataan, magulang, Parent Leaders, at mga miyembro ng komunidad na aktibong makilahok sa mga paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, layunin nating maitaguyod ang bayanihan, volunteerism, at sama-samang pananagutan upang matiyak na handa, ligtas, malinis, at maayos ang ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

Ang gawaing ito ay pagkakataon para maipakita ng 4Ps na ang bawat pamilyang benepisyaryo at katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga anak.

Mga ka-4Ps, ang bawat oras, lakas, at simpleng pagtulong ay mahalagang ambag para sa mas maayos na kapaligiran ng pagkatuto ng ating mga anak.

Tandaan, sa Brigada Eskwela, sama-samang kumikilos ang pamilyang 4Ps upang matiyak na handa, ligtas, at maayos ang paaralan para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.

๐Ÿ’™ Bawat Pamilyang 4Ps, Katuwang sa Handa at Ligtas na Paaralan.





26/05/2026
23/05/2026

๐—ช๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—š๐˜‚๐˜๐—ผ๐—บ ๐—™๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ฝ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐˜

TINGNAN | Aarangkada na naman ang ating Walang Gutom Program para sa buwan ng Mayo kung saan ipapamahagi ang Food Redemption sa mga kwalipikadong benepisyaryo ngayong May 25-26, 2026 na gaganapin sa Municipal Gymnasium.

Nagadagdagan ang mga benepisyaryo ng 234 na naging 1,200 ang ating target na benepisyaryo mula sa 20 barangays na inaasahang makatatanggap. Ang listahan ng mga kwalipikado ay maaaring kunin sa inyong Barangay Officials, magka pareho parin ang listahan saunang target nito na hawak na barangay.

Isasagawa ang pamamahagi sa AM at PM schedule ayon sa nakatakdang oras ng bawat barangay. Mangyaring sundin ang schedule upang maging maayos at organisado ang distribusyon na makikita ninyo sa larawan.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Walang Gutom Program ay naglalayong makatulong sa mga pamilyang nakararanas ng kakulangan sa pagkain sa pamamagitan ng food redemption o food packs.

Para sa katanungan, makipag-ugnayan sa inyong Barangay Officials o sa MSWDO.




23/05/2026


20/05/2026
โœจ Mga Ka-4Ps, mula sa pulso ng inyong katanunganโ€” narito na si Mrs. Caring para makinig at tumugon nang may malasakit!Pa...
13/05/2026

โœจ Mga Ka-4Ps, mula sa pulso ng inyong katanunganโ€” narito na si Mrs. Caring para makinig at tumugon nang may malasakit!

Paano kung may 4Ps beneficiary na hindi qualified, nagsasangla ng cash card, nagsusugal, o hindi pinapapasok sa school ang mga anak?

Mga ka-4Ps, tandaan po natin na may malinaw na guidelines at kondisyon ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Bahagi ng responsibilidad ng bawat benepisyaryo ang tamang paggamit ng grants at pagsunod sa program conditions tulad ng:

โœ… Pagpasok ng mga bata sa paaralan
โœ… Pagdalo sa Family Development Sessions (FDS)
โœ… Pag-monitor sa kalusugan ng pamilya
โœ… Tamang paggamit ng cash grants

Mahigpit na ipinagbabawal ng programa ang pagsasangla o pagpapagamit ng cash card at 4Ps ID. Hindi rin dapat ginagamit ang grants sa sugal, bisyo, o anumang hindi naaayon sa layunin ng programa.

Kung ikaw ay may nalalaman na benepisyaryong lumalabag sa mga nabanggit, maaari kang mag-report at maging katuwang ng programa sa pagtiyak na ang grants ay napupunta lamang sa mga pamilyang tunay na karapat-dapat at nangangailangan.

Mga Ka-4Ps, maaari kayong mag-file ng report sa pamamagitan ng mga sumusunod:

โœ… Sabihan o i-report sa inyong City/Municipal Link
โœ… Pwede rin sa DSWD Field Office o official hotlines ng DSWD Central Office

Ano ang mangyayari:

โœ… I-validate at i-investigate ng opisina ang ulat
โœ… Bibigyan ng counseling at warning ang benepisyaryo
โœ… Kung paulit-ulit ang paglabag โ†’ delisting o tuluyang pagkatanggal sa programa

Para mag-report:

โœ… Email: [email protected]
โœ… Text: 0918-912-2813 (Wiserv text hotline) kasama ang inyong pangalan, lugar, at ang inyong reklamo: 4Ps Pangalan Lugar Uri ng Reklamo (Halimbawa: 4Ps Juan Cruz/Quezon City/Nais ko mag-report)
โœ… 4Ps FB Page: https://www.facebook.com/DSWDPantawidPamilya/

Makaaasa ang publiko na ang lahat ng reports, impormasyon, at pagkakakilanlan ng mga magrereport ay mananatiling confidential at dadaan sa tamang validation ng DSWD-4Ps.

๐Ÿ“ฒ From FYP to FYI, mga Ka-4Ps! โœจSasagutin ni Mrs. Caring ang inyong mga katanungan tungkol sa 4Ps โ€” dahil siya ay laging...
13/05/2026

๐Ÿ“ฒ From FYP to FYI, mga Ka-4Ps! โœจ

Sasagutin ni Mrs. Caring ang inyong mga katanungan tungkol sa 4Ps โ€” dahil siya ay laging handang makinig at tumugon nang may malasakit. ๐Ÿ’™

๐Ÿ’ฌ Ang tampok na tanong this week:

โ€œBakit mga bata ang pangunahing tinutulungan sa 4Ps?โ€

๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ’ผ For your information, narito ang sagot ni Mrs. Caring diyan:

โ€œAng kabataan ang pag-asa ng bayan,โ€ wika ni Dr. Jose Rizalโ€”kaya naman sa mga bata namumuhunan ang 4Ps. Naniniwala ang programa na nasa mga bata ang susi sa mas maganda at mas matatag na kinabukasan ng bawat pamilya at komunidad.

Sa pamamagitan ng suporta sa kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon, mas nabibigyan sila ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap at kalaunan ay maputol ang siklo ng kahirapan na naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Kaya naman goal ng programa na ang mga bata ay:

โœ”๏ธ makapag-aral;
โœ”๏ธ regular na makapagpa-check-up; at
โœ”๏ธ mabigyan ng tamang nutrisyon at bakuna.

Sa pamamagitan nito, mas malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan at hindi na maranasan ang parehong kahirapan na minana pa mula sa mga nakaraang henerasyon.

Para ma-achieve ito, may mga kondisyon o co-responsibilities na kailangang tuparin ng pamilya sa ilalim ng 4Ps, tulad ng:

๐Ÿ“š hindi bababa sa 80% school attendance ng mga bata;
๐Ÿฉบ pagdalo sa health check-ups at immunization;
๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘ง pagdalo ng magulang sa Family Development Sessions (FDS), kung saan itinuturo ang tamang gabay sa pagpapalaki ng anak at pamamahala ng pamilya.

Tandaan: kung hindi natutupad ang mga kondisyong ito na nagpapabuti sa kalagayan ng mga bata, maaaring mabawasan ang tulong-pinansyal o ma-suspend ang pag-release ng grants, alinsunod sa mga patakaran ng programa. Ito ay upang matiyak na ang benepisyo ay talagang napupunta sa layunin nitong mapaunlad ang pamilya, lalo na ng mga bata. โš ๏ธ

Ibig sabihin, ang 4Ps ay hindi panandalian o paulit-ulit na ayudaโ€”ito ay investment sa edukasyon, kalusugan, at kinabukasan para sa pangmatagalang pag-angat ng pamilya.

โœจ May gustong malaman tungkol sa 4Ps? Si Mrs. Caring na ang bahalang magbahagi ng impormasyong dapat ninyong malaman, mga Ka-4Ps!

๐Ÿ“ข Patuloy na tumutok sa official page ng 4Ps para sa timely at accurate na impormasyon at updates!

Address

Barangay FortPikit
Pikit

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Pikit Pantawid Pamilyang Pilipino Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Team Pikit Pantawid Pamilyang Pilipino Program:

Share