25/08/2025
7 ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐? โ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
COTABATO CITY โ Mariing tinuligsa ni Atty. Camilo Miguel Montesa ang umanoโy plano na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. na magtalaga ng pitong miyembro sa Bangsamoro Parliament kung sakaling hindi maisama ang mga ito sa halalan sa Oktubre.
Ayon kay Montesa, malinaw na ito ay direktang pagsuko ng awtonomiya ng Bangsamoro. โBawat puwesto sa Parlamento ay dapat nagmumula sa mandato ng mamamayang Bangsamoro, hindi mula sa pabor ng Imperial Manila,โ diin niya.
Binatikos din niya ang naturang hakbang na isang paglapastangan sa sariling pagpapasya (self-determination) at insulto sa mga mujahideen na nag-alay ng buhay upang makamtan ang kalayaan at dignidad ng Bangsamoro.
Sa kanyang pahayag, iginiit ni Montesa na ang pitong puwestong ito ay tiyak na magiging personal na ari-arian ng Pangulo, nakalaan lamang sa kanyang mga tapat na kaalyado. โItoโy lalo lamang maghihigpit sa pagkakagapos ng Maynila at gagawing unelected power broker ang Presidente sa loob mismo ng Parliament,โ aniya.
โWalang sinuman ang dapat umupo sa kapangyarihang hindi galing sa mandato ng taumbayan. Ang mandato mula sa Pangulo ay hindi demokrasyaโito ay patronage, pagtataksil sa awtonomiya, at mapanganib na hakbang palayo sa tunay na self-rule,โ mariin pang babala ni Montesa.
Source ||Atty. Camilo Miguel Montesa