22/08/2026
๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐๐๐ง๐จ๐๐๐ช๐๐ก ๐๐๐๐๐ก-๐จ๐ฃ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐
Matagumpay na isinagawa ngayong Agosto 22, 2026 ang Clean-Up Drive sa Barangay Batulawan Malidegao, SGA-BARMM, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Loy B. Batugan, kasama ang Pitong Barangay Konsehal, Barangay Secretary, Barangay Treasurer, Sangguniang Kabataan (SK), Health Workers, at BPATs.
Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating barangay. Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras at serbisyo para sa ating komunidad.
๐ขPAALALA SA ATING MGA KA-BARANGAY
Hinihiling po sa lahat na ilabas lamang ang basura sa gilid ng National Highway tuwing Huwebes at Linggo, alinsunod sa iskedyul ng garbage collection ng ating Munisipyo. Kung maaari, ilagay ang basura sa wastong lalagyan, isako, at talian nang mabuti upang maiwasan ang pagkalat nito.
Sa ating pagkakaisa at disiplina, mapapanatili nating malinis at maayos ang Barangay Batulawan.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa!
โMalinis na Barangay, Maayos na Pamayanan!โ