24/08/2025
|| 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡
Maghahatid po ng libreng inuming tubig ang Lokal na Pamahalaan sa mga pamilyang lubog parin sa tubig baha dahil sa walang tigil na ulan simula noong August 16, 2025. Ihanda lamang po natin ang ating paglagyan. Magsisimula po ito ngayong araw sa Sitio Saging ng Barangay Ginatilan patungo sa Sitio Isla ng nasabing barangay. Makipag ugnayan po kayo sa numero na makikita sa larawan kung kayo po ay nangangailangan pa ng tubig inumin.
Ihahanda narin po natin ang family food packs kung sakaling aprobado na ito sa ating lalawigan at sa ating katuwang na ahensya ang DSWD.
Para sa patuloy na paghahatid ng Serbisyong Para sa Lahat.
#𝙨𝙩𝙖𝙮𝙨𝙖𝙛𝙚𝙥𝙞𝙠𝙞𝙩𝙚ñ𝙤𝙨