28/03/2026
Barangay Assembly 2026 1st semester !
Matagumpay na naisagawa ang brgy. assembly ngayong taon na kung saan nagbahagi ang mga panauhin ng mga magagandang adhikain . Halimbawa dito ay ang ating minamahal na Punong bayan na nagpaabot ng isang magandang balita ukol sa mga programa at proyekto na nakalatag sa ating barangay.
Patunay ito na ang pamahalaang lokal at ang barangay ay nagkakaisa sa gawaing mas magpapaunlad sa ating mamamayan .
Gayundin ang bumubuo ng Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng kinatawan na si Kgg. Boyet Buerano na nagpaabot din ng mga balita na mas makakatulong sa buhay at pamumuhay ng bawat isang mainitin.
Bukod pa dito, Ang sangguniang Barangay na walang sawang tumutupad sa sinumpaang gugulin na siya namang lalong nagpapatibay sa ugnayan ng mamamayan at ng sanggunian.
Salamat sa nakiisa, nakinig at nagpaabot ng hinaing, asahan ninyo na ang bawat boses ninyo ay nakatala at bibigyang pansin.
Muli maraming Salamat at mabuhay po tayo .
!