04/09/2026
TULOY ANG RELIEF OPERATIONS SA MACABEBE, PAMPANGA
Patuloy ang ERD Team ng Tanggapan ni Sen. Alan Peter Cayetano at Sen. Pia Cayetano sa relief operations at assessment sa mga kalapit na barangay sa Macabebe, Pampanga.
Bilang paunang tulong, grocery packs at water gallons ang naipamahagi para sa mga pamilyang naapektuhan, mga bangkero, rescuers, at volunteers.
Patuloy pa rin ang epekto ng pagbaha sa lugar. Tatlong linggo nang walang face-to-face classes ang ilang estudyante at kasalukuyang gumagamit ng alternative
learning modalities.
kabilang sa mga agarang pangangailangan ang malinis at ligtas na inuming tubig at jumpsuits/protective clothing para sa responders at mga residenteng naapektuhan.
Patuloy ang pagresponde, patuloy ang pag-alalay, at patuloy ang pag-alam sa tunay na pangangailangan ng komunidad. โค๏ธ
๐ธ Emergency Response Department