SRK It is where important news about the community will be posted

22/10/2023

May nagpost nito sa social media nuong isang taon. Nagpatawag agad ng pagpupulong sa mga tauhan ng barangay yung kapitan na binabanggit ng babae sa video. Sa pagpupulong, magkatabi si kapitan at ang babae sa video. Nanggagalaiti sa galit si kapitan, at napagbintangan ang isang empleyado na siyang nasa likod ng nasabing post.

Para sa kaalaman po nung nagpost dahil ang tanong niya ay sino itong babae na ito dahil kaiba nga daw ang asta, siya po yung una ay personal na sekretarya ni nasuspindeng kapitan. Duon silang dalawa nag-opisina sa ikatlong palapag ng gusali ng barangay. Wala naman po sanang problema, ano ba masama na si kapitan ay magkaroon ng isang sekretarya na may pleasing personality...ang tuksuhan pa nga ay masama lalo kung poging lalaki yun kasama nitong kapitan sa kaniyang kwarto.

Subali't dahil sa makisig nga itong si kapitan, ay dumating na yung bulung-bulungan ng mga Maritess na siya at itong babae sa video ay may ekstrang relasyon na. Hindi makapaniwala ang ilan dahil bago pa man naging kapitan itong makisig na kapitan, ay pumutok na ang balita na may nabuntis itong babae nuong tumakbo itong konsehal ng bayan ng 2016 eleskyon, at yung napabalitang babae ay kakambal nitong babae na nasa video. Kung totoo ang mga intrigang ito, ay napaka-imoral ang ginagawa nitong si kapitan, dahil nagamit niya ang kaniyang pwesto upang maisulong niya ang kaniyang karnal na pagnanasa.

Pero ano ba ang mga nagbigay ng malakas na dahilan upang pag-isipan sila ng ganito? Nang magkasunog sa barangay nuong Marso 2019, ng araw na magkasunog ay kakaalis lamang ng umaga na iyon nitong si kapitan para dumalo sa isang seminar duon sa Calamba, Laguna, kasama niyang pumunta duon ay itong si personal secretary niya. Kaya nabulisyaso yun lakad niya dahil kinailangan niyang mapabalik agad upang huwag siya masilipan na wala siya para ayusin ang mga nasunugan. Kaya nga napansin na din nga ng marami na late na nakapunta itong si kapitan upang makausap ang mga nasunugan. Nuong tumama ang PANDEMYA, sa kasagsagan nito ay personal na namimili itong si kapitan ng mga ipapakain sa mga tanod at iba pang frontliners. Ang kasama niya sa pamimili ay itong si sekretarya niya, pwede sabihin dahil na BNAO niya ito, pero ang problema ay nag-isip pa ang mga malisyosong utak dahil nga pagbalik galing sa pamimili ay meron na ding bitbit itong babae na personal niyang pinamili, hindi maaalis na maitanong kung yun pinambili para sa kanya ay personal ba o pera din ng barangay? Ang pinaka-malupit na ginawa ni kapitan para sa babae na ito ay nang sinawing palad na mamatay ang matandang sekretaryo ng Barangay Sto Rosario Kanluran, dahil isang araw matapos yumao ang matanda ay nagkukumarot na ginawa niyang opisyal na barangay secretary na si personal secretary, wala naman sanang masama duon, maliban na lamang na kung iisipan ay mistula na rin niyang ginawang kalihim ng barangay ang kaniyang "personal partner". Magmula po nuon hanggang sa magkawindang-windang ang political career nitong si kapitan ay ito pong babae sa video ang numero uno para sa kanya. Oras na ito na makabangga ng isang empleyado, SIBAK kay kapitan.

Nang masuspinde si kapitan, kaagad na nagbitiw sa pwesto ang babae sa.video. At ang ikinakalat ng mga alipores ni kapitan na mga nagbitiw din ay babalik na lamang sila kasabay daw ng pagbalik sa pwesto nitong makisig na kapitan ng Brgy. Sto. Rosario - Kanluran.

Siguro ay nasagot na po ang itinatanong nung nagpost ng video na ito...SINO KAYA ANG BABAE SA VIDEO?

Bilang isang kapitan ng barangay, ikaw dapat ay magsilbing taga-buklod upang pag-isahin ang mga tao sa iyong nasasakupan...
21/10/2023

Bilang isang kapitan ng barangay, ikaw dapat ay magsilbing taga-buklod upang pag-isahin ang mga tao sa iyong nasasakupan. Pero dahil nga ikaw yung klase ng pinuno na mahilig MagPabida, ultimo imahe ng santo ay ginamit mo upang isulong ang iyong sariling interes.

Dahil inis ka duon sa mga taong nangangalaga ng napakatagal nang imahe ng Sta. Marta ng Barangay Sto Rosario Kanluran sapagka't ayon nga sa iyo ay hindi ka binibigyang importansya sa tuwing mayroong mga aktibidad kaugnay sa kapistahan nito, ipinasya mong bumili ng panibagong santo para ika-mo mayroon nang sarili ang pamahalaang Brgy. Sto. Rosario - Kanluran. Huwag na iyong napag-isipan ka pa na pinagkakitaan mo pa yung pagbili nito, iyon na lamang punto na ano ang gusto mo? Dalawa ang santo ng barangay? Dalawa ang prusisyon? Dalawa pa ang misa? Ikaw na talaga!

Kaya ayan, dahil sa kaitiman ng iyong budhi, ikaw ay hinambalos ng katakot-takot na kamalasan. Suspindido ka, at ang maugong na balita ay baon ka daw sa utang? Kaya nagkukumaro't kang makabalik sa puwesto upang muli na namang mapasakamay mo ang kontrol sa kaban ng barangay. Ipinangangalandakan mong ikaw ay umapela sa Tanggapan ng Pangulo ng bansa kaya " baka" ika-mo bago mag-halalan o pagkatapos mismo ng halalan ay ikaw na ulit ang naka-pwesto bilang KUPITAN. Hindi ganuon kadali ang proseso nuon, ikaw ay nambibilog lamang ng ulo, na isa sa problema mo. Palagi mong iniisip na ang kausap mo ay tulad nung mga itinira mong nakapalibot sa iyo na maski itim yung kulay na nakikita, pero sinabi mong puti ay sasang-ayunan ka at sasabihing busilak na puti nga iyong inyong nakikita.

Ipinagmamalaki mo na ikaw ang ama ng barangay, tinanong mo na ba ang sarili mo kung ikaw ba ay ama muna ng iyong pamilya? Hindi mo ba nakita ang kaibahan nyo ng iyong seryosong katunggali para sa pwesto? Kita sa inyong paghaharap na siya ay isang mabuting Padre de Pamilya, kitang-kita ang sigla at saya sa kanyang kabiyak at mga anak...ikaw? ah andun nga pala iyong biyenan mong hilaw, yung pabulong-bulong sa mga tao mo.

Sana ay matanto ng mga naniniwala pa rin sa iyo na iyong ibinigay nilang tiwala sa iyo nuong 2018 ay pinagtaksilan mo lamang. Dahil nga sa isip mo at puso ikaw ay isang.TAKSIL.

19/10/2023

Mga kabarangay, umarangkada na po ang kampanyahan. Nagsimula na pong muli gumulong ang MP Machine (MaPanlinlang Machine). Una sa ipinagmamalaki nito ay ang kaniyang naging aksyon nuong panahon ng Pandemya. Ano nga ba ang ginawa nito na sobra niyang ipinagmamalaki?

Na siya daw ay namigay ng isda? Aba naman po, nuong panahon ng Pandemya, buong Pateros, sa sampung barangay ay talaga naman pong bumaha ng isda na donasyon sa Munisipyo at ibinahagi sa bawat barangay. Bilang siya ang pinuno sa pamahalaang barangay, natural lamang na siya ang mag-utos sa mga taong barangay na umikot at ipamigay yung mga tulingan. Dahil nga sa husay nitong MagPabida, ang akala mo ay dapat na tanawin ng utang na loob sa kanya yung pamimigay ng mga isda.

Usapang ayuda, ipinagmamalaki rin niya na sa kaniyang panunungkulan nabigyan niya ng ayuda ang mga tao, bakit po? Sa kaniya ba galing ito? Siya bilang pinuno ng barangay ay inatasan lamang na piliin ang mga nararapat na bigyan ng ayuda. Na siya namang ginawa ng baluktot na lider na ito. Pinili niya yung mga ika nga niya ay sa tingin niya ay magiging kaniya pagdating ng eleksyon. Bukod pa duon, halos lahat na pupwedeng mabigyan na miyembro ng pamilya nung kaniyang napapabalitang kabit na sekretarya ay nabiyayaan ng ayuda. Ultimong ayuda para sa mga merong tindahan na naapektuhan ng Pandemya, yung lola nitong sekretarya niya na wala namang tindahan ay nabigyan din. Nang meron itong empleyado sa barangay, na ang magulang ay lehitimong may tindahan ay nagkomento dahil hindi nabigyan ang kaniyang ama't ina, ito ay napaiyak na lamang at namaga ang mga mata sa kakaiyak matapos paliguan ng sermon nitong bait-baitang kapitan.

Sa panahon din ng Pandemya jumakpot itong sekretarya ng pinuno. Sa tuwing mamimili sa SM Supermarket itong magaling na lider para sa pagkain ng mga tauhan ng barangay na tumatao sa mga checkpoints, ang kasama niya ay itong maganda niyang sekretarya bukod dun sa driver ng sasakyan ng Barangay Magtanggol. Pagbalik sa dami ng pinamili na pagkain na nakasupot ng green SM bag, magpapahatid na itong si sekretarya pauwi sa kanilang bahay gamit yung tricycle ng barangay upang iuwi na iyong mga "ISINABAY" niyang groceries. Wala nang malinaw kung ito ba ay sarili niyang pera o kasama sa pondo ng barangay ang ipinambili?

Mga kabarangay, usapang Pandemya pa lamang po iyan...pasensya po muna at sa susunod naman iyong usapang project na pinagkakitaan lang.

September 5, 2023...Agarang aksyon! Matapos makatanggap ng mensahe si Kagawad Tina Rico na may koneksyon ng kuryente ang...
05/09/2023

September 5, 2023...Agarang aksyon! Matapos makatanggap ng mensahe si Kagawad Tina Rico na may koneksyon ng kuryente ang pumutok sa Emerald Court Subd. ay kaagad na nakapagpatawag sa BFP at Meralco sina Acting Kap. Jun Cadacio, Kag. Opet De Leon at Kag. Mark Arce. Salamat din sa mga BSF duty personnel na sina Darwin Cabubas at Alvin Haloc.

August 14, 2023...Kaninang umaga ay pormal nang inilunsad ng Sto. Rosario Elementary School ang Brigada Eskwela 2023.Pin...
14/08/2023

August 14, 2023...Kaninang umaga ay pormal nang inilunsad ng Sto. Rosario Elementary School ang Brigada Eskwela 2023.
Pinangunahan ni Ms. Loida Loisa Valdez Salvador, Principal ng paaralan ang programa. Dumalo at nagbigay din ng pagbati si AKap. Jun Cadacio, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Barangay.

Nag-courtesy call si AKap Jun Cadacio kay SRES Principal Ms. Loida Loisa Valdez Salvador kaugnay ng simula ng Brigada Es...
10/08/2023

Nag-courtesy call si AKap Jun Cadacio kay SRES Principal Ms. Loida Loisa Valdez Salvador kaugnay ng simula ng Brigada Eskwela 2023. Kasama din niyang nagpunta sina Kag. Opet De Leon, Brgy. Admin. Officer Rommel Cuevas, at GAD/BADAC FPO Emer Labra.

29/07/2023

Address

Barangay Sto. Rosario Kanluran
Pateros
1632

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SRK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category