Pateros Health Office - Health Promotion Unit

Pateros Health Office - Health Promotion Unit Welcome to Pateros Health Promotion! οΏ½

March 26, 2026Isang Malusog na Araw, Bayan ng Pateros. πŸ’–Matagumpay na naisagawa ang Puro Kalusugan Caravan na idinaos sa...
26/03/2026

March 26, 2026

Isang Malusog na Araw, Bayan ng Pateros. πŸ’–

Matagumpay na naisagawa ang Puro Kalusugan Caravan na idinaos sa Barangay Aguho.

Nagkaroon ng libreng bakuna sa mga sanggol, Risk Assessment, Nutrition Counselling, Libreng Chest Xray, Philhealth Online Registration Assistance, HIV testing, safe s*x commodities and free dental check up.

Nagkaroon din ng lectures patungkol sa mga sumusunod:

Family Planning
Cervical Cancer Screening
Chronic Kidney Disease
Basic Oral Health
Tuberculosis
Pateros Laboratory Services
Blood Donation

Maraming Maraming Salamat din po sa Brgy Aguho sa pangunguna ni Kapitan Joven Gatpayat, at ni Kagawad for Health, Renny Boy Borja.

Tandaan, pahalagahan ang ating kalusugan para sa maayos at ligtas na kinabukasan.

Maraming Salamat po, at magkita kita po ulit tayo sa susunod na Puro Kalusugan Caravan. πŸ₯°πŸ’–

Ang buwan ng Marso ay ginugunita bilang Colorectal Cancer Awareness Month upang palakasin ang kaalaman ng publiko tungko...
09/03/2026

Ang buwan ng Marso ay ginugunita bilang Colorectal Cancer Awareness Month upang palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa pag-iwas, maagang pagtuklas, at tamang paggamot sa colorectal cancer.

Ang colorectal cancer ay uri ng kanser na nabubuo sa colon o re**um at kadalasang nagsisimula bilang maliit na polyp na maaaring maging cancer sa paglipas ng panahon.
Sa Pilipinas, ito ay kabilang sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay dahil sa cancer at mas karaniwang nakikita sa mga taong edad 50 pataas.

⚠️ Mga posibleng sintomas:
β€’ Pagbabago sa pagdumi (diarrhea o constipation)
β€’ Dugo sa dumi
β€’ Pananakit ng tiyan
β€’ Biglaang pagbaba ng timbang
β€’ Panghihina o anemia

βœ… Paano makaiwas?
β€’ Kumain ng masustansya at mayaman sa fiber
β€’ Mag-ehersisyo at panatilihin ang tamang timbang
β€’ Iwasan ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak
β€’ Magpatingin sa doktor at magpasuri kung kinakailangan, lalo na kung edad 50 pataas

Tandaan: Ang maagang pagtuklas ng colorectal cancer ay makakatulong upang mas madaling magamot at makaligtas ang buhay.



Happy National Women's Month 2026.Tandaan:Juana, sa bawat yuto ng buhay, alagaan mo ang kalusugan mo dahil IKAW AY MAHAL...
09/03/2026

Happy National Women's Month 2026.

Tandaan:

Juana, sa bawat yuto ng buhay, alagaan mo ang kalusugan mo dahil IKAW AY MAHALAGA.

Tara po at bumisita sa pinaka malapit na health center para sa mga karagdagang impormasyon. πŸ₯°


Magandang Araw Bayan ng Pateros. πŸ¦†πŸ₯°Eto po ang step by step ng tamang proseso nang pag avail sa Philhealth Yakap.Maaari d...
05/03/2026

Magandang Araw Bayan ng Pateros. πŸ¦†πŸ₯°

Eto po ang step by step ng tamang proseso nang pag avail sa Philhealth Yakap.

Maaari din po kayong bumisita sa inyong pinakamalapit na health centers para sa karagdagang impormasyon.

Maraming Salamat po. πŸ₯°πŸ˜Š

March 2, 2026Nakikiisa ang Pateros Health Office - Health Promotion Unit sa paglulunsad ng Kilatis Kutis 2026 na bahagi ...
02/03/2026

March 2, 2026

Nakikiisa ang Pateros Health Office - Health Promotion Unit sa paglulunsad ng Kilatis Kutis 2026 na bahagi ng selebrasyon ng Leprosy Control Week. Matagumpay itong naidaos sa pagtutulungan ng Department of Health MMCHD, Lungsod ng Las Pinas, mga sangay ng gobyerno, at sa tulong na din ng mga supportive na dematologists mula sa ibat ibang ospital sa Pilipinas.

Ang sakit na leprosy ay nagagamot. Ang stigmang kaakibat nito ang syang tunay na problema.

Huwag pong matakot na magpatingin at magpakonsulta sa inyong pinakamalapit na health center.

Magandang Araw, Bayan ng Pateros! πŸ₯°β€οΈAng lahat ay inaanyayahan na maki-join sa isang makabuluhang talakayan patungkol sa...
26/02/2026

Magandang Araw, Bayan ng Pateros! πŸ₯°β€οΈ

Ang lahat ay inaanyayahan na maki-join sa isang makabuluhang talakayan patungkol sa tamang pag aalaga sa ating mga puso. Ito ay bahagi ng selebrasyon ngaung Philippine Heart Month. ❀️

Topic: Philippine Heart Month Lay Forum
Date/Time: February 27, 2026 | 10:00 AM

Zoom Meeting link: https://bit.ly/HeartMonth_LayForum
Meeting number (access code): 837 8225 7019
Meeting password: 882979

Sa patuloy nating pagsusulong ng pagtaas ng kamalayan at paglaban sa stigma, ipakita natin ang ating suporta at malasaki...
26/02/2026

Sa patuloy nating pagsusulong ng pagtaas ng kamalayan at paglaban sa stigma, ipakita natin ang ating suporta at malasakit sa pamamagitan ng paggamit ng Leprosy Control Week Facebook profile frame mula sa link na ito: https://twb.nz/leprosycontrolweek2026 at gamitin ang caption sa ibaba.

--------

✨ 𝑹𝒐𝒂𝒅 𝒕𝒐 𝒛𝒆𝒓𝒐: π‘»π’–π’π’ˆπ’ 𝒔𝒂 π’π’Šπ’‘π’–π’π’‚π’π’ˆ π’˜π’‚π’π’‚π’π’ˆ π’π’‚π’Šπ’Šπ’˜π’‚π’ πŸ’œ

Ngayong huling linggo ng Pebrero, ating ginugunita ang Leprosy Control Week, isang mahalagang paalala na ang leprosy o ketong ay naaagapan sa pamamagitan ng maagang pagsusuri, gumagaling sa agarang gamutan, at hindi dapat maging dahilan ng diskriminasyon.

Palakasin pa natin ang ating boses upang maghatid ng mensahe ng pagtanggap, pag-unawa, at pag-asa. Sama-sama nating patunayan na sa isang komunidad na may malasakit, walang puwang ang stigma at may lugar ang bawat isa.






Feb 24, 2026Malusog na Araw, Bayan ng Pateros! πŸ₯°Matagumpay na naidaos ang Puro Kalusugan Caravan sa Brgy. Sto Rosario Ka...
24/02/2026

Feb 24, 2026

Malusog na Araw, Bayan ng Pateros! πŸ₯°

Matagumpay na naidaos ang Puro Kalusugan Caravan sa Brgy. Sto Rosario Kanluran.

Sinabay din na naipagdiwang ang Leprosy Awareness Week, na dinaluhan ng mga bisitang Dermatologists na nagbigay ng libreng skin consultation. Ito din ay parte ng programang Kilatis Kutis, na naglalayong makapagbigay ng libreng skin check up sa ating mga kababayan upang masiguro ang kalusugan ng ating mga balat.

Nagkaroon din po tayo ng free health services gaya ng mga sumusunod:

Glucose and Cholesterol Monitoring
Risk Assessment
Nutrition Counseling
Routine Vaccination for babies
Philhealth Yakap enrollment
HIV Testing
Free Lubricant and condoms
Free Chest Xray

Nagkaroon din po ng makabuluhang talakayan and health lectures ang mga sumusunod na health programs:

Family Planning
Blood Donation and Pateros Laboratory
Mental Health: Su***de Prevention
Nutrition
National Immunization Program
Dengue
HIV and AIDS
PHILHEALTH Yakap

Maraming Maraming Salamat po sa lahat ng mga dumalo at nakiisa.

Kita kits po ulit sa susunod na Puro Kalusugan Caravan. πŸ₯°πŸ’–

πŸ“£ Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa sa KILATIS KUTIS CAMPAIGN β€” libreng serbisyong pangkalusugan para sa at...
23/02/2026

πŸ“£ Inaanyayahan ang lahat ng residente na makiisa sa KILATIS KUTIS CAMPAIGN β€” libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating balat kasama ang ating maasahang mga Dermatologist.

πŸ—“ Pebrero 24, 2026
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
πŸ“ Sto. Rosario–Kanluran Covered Court

Bahagi ito ng paggunita sa Leprosy Awareness Week 2026. Tandaan: Nagagamot ang ketong β€” ang tunay na hamon ay stigma.

Halina’t magpatingin, magtanong, at matuto kung paano mapangalagaan ang kalusugan ng ating balat. Sama-sama nating labanan ang maling akala at palaganapin ang tamang kaalaman para sa mas malusog na komunidad.

Kita-kits po tayo! πŸ’œ

20/02/2026
Feb 20, 2026In celebration of the National Oral Health Month 2026 with a theme of "Tara na! Cleaning at Floutide, San ka...
20/02/2026

Feb 20, 2026

In celebration of the National Oral Health Month 2026 with a theme of "Tara na! Cleaning at Floutide, San ka Pa?"

The Pateros Dental Health Team conducted the "Gandang Ngiti ng Munting Bonita".

Congratulations po sa lahat ng mga cute na cute na bata na nakilahok at sa mga proud teachers and parents.

Maraming Salamat din po sa ating butihing Punong Bayan, Mayor Gerald German , Mayora Mary German sa walang sawang pagsuporta sa mga proyektong pangkalusugan.

Ang pag aalaga ng ating mga ngipin ay mahalaga, para masiguro na tayo ay malusog at masigla.

Feb 11, 2026Isang Masustansya at Malusog na araw, Bayan ng Pateros. πŸ₯°πŸ˜ŠMatagumpay pong naidaos ngayong araw ang "graduati...
11/02/2026

Feb 11, 2026

Isang Masustansya at Malusog na araw, Bayan ng Pateros. πŸ₯°πŸ˜Š

Matagumpay pong naidaos ngayong araw ang "graduation" ng ating masisipag at matatalinong students sa Nourish U.

Ang Nourish U: a Community University ay isang napakagandang initiatibo ng Pateros Nutrition Committee. Ito ay series of lectures na halintulad sa classroom style ng pag aaral na tumatalakay sa ibat ibang topics patungkol sa Nutrition, Healthy lifestyle, Environmental and Mental Health.

Nagbigay ng kanyang motivational message ang ating masipag na DOH Representative,
Dra. Haydee Len Palamo.

Dinaluhan din ito ng ating dedicated na Municipal Nutrition Action Officer, Mayora Mary German na nagbigay ng isang makabuluhang opening and welcoming message.

Maraming salamat din po sa ating butihin at iginagalang na Mayor, Mayor Gerald German sa pagdalo upang magbigay ng inspirational at napapanahon na mensahe sa ating lahat.
Salamat po sa walang sawang pagsuporta sa lahat ng programa ng Pateros Health.

Congratulations po sa lahat. πŸ₯°πŸ˜ŠπŸ¦†

Address

Sta Ana
Pateros
1620

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pateros Health Office - Health Promotion Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share