12/08/2026
Sa totoo lang, nagkaroon din ako ng depression dahil sa Bell’s palsy. Bilang artista, “mukha ang puhunan mo.” Kaya hindi madaling tanggapin kapag biglang nagbago ang mukha mo.
Pero sa kabila ng lahat, pinagpala pa rin ako ng Diyos—nagkaroon pa ako ng billboard sa EDSA at naging bahagi ng Pulang Araw. 🙏
Natutunan ko na hindi doon nasusukat ang halaga ko. Maaaring ang mukha ang puhunan sa showbiz, pero ang buhay, pagkatao, at halaga natin ay higit pa sa ating panlabas na anyo.
Health is wealth. Huwag nating balewalain ang ating kalusugan. Huwag nating hintaying may mangyari bago natin alagaan ang ating sarili.
“My grace is sufficient for you, for My power is made perfect in weakness.” — 2 Corinthians 12:9