24/05/2026
๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ , ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐๐ง๐ ๐
Nag-deploy ng 15 katao, na binubuo ng mga kinatawan mula sa Fire and Rescue Unit at Pasig Emergency Unit, ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig sa Angeles City, Pampanga ngayong araw, May 24, 2026.
Ito ay kaugnay ng pagguho ng isang under-construction na gusali, isang proposed nine-storey na concrete building, sa nasabing lugar. Ang nasabing deployment ay coordinated sa Incident Management Team (IMT) na pinangungunahan ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, at Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Bandang 05:00PM ngayong araw, nakapag-check in bilang bahagi ng IMT ang mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod. Sila ay parte ng Urban Search and Rescue (USAR) Team at naitalaga sa pag-locate ng mga biktima ng pagguho ng itinatayong gusali.
Bukod sa deployment ng personnel ay nagdala rin ang mga ito ng iba't ibang search and rescue tools and equipment, kabilang ang life detector, breaching equipment, at iba pa na lulan ng logistics vehicle, rescue truck, at ambulansya.
Pasig City DRRMO