01/06/2026
Ginanap kaninang umaga, June 1, 2026, ang ating Flag Ceremony na sinundan ng ating 62nd Regular Session upang simulan ang buwan nang may sigla, direksyon, at pagkilala sa mga natatanging lingkod-bayan.
🎖️ Isang highlight ng ating umaga ang paggawad ng Certificate of Commendation sa mahigit 37 miyembro ng ating Barangay Security Force (BSF), CCTV operators, at Patrollers.
Ito ay bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang pagbabantay, maayos na serbisyo, at dedikasyon upang panatilihing ligtas, tahimik, at payapa ang ating komunidad. Maraming salamat sa inyong sakripisyo! 🫡
📋 62nd Regular Session: Balik-Tanaw at Pagpapatuloy ng Serbisyo
Pagkatapos ng seremonya, dinaluhan naman ng ating Sangguniang Barangay ang ika-62 na Regular Session kung saan tinalakay ang mga sumusunod:
Mga Achievement Noong Nakaraang Buwan
-pagrereview sa mga naging matagumpay na proyekto, programa, at mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga residente.
Mga Plano at Aktibidad para sa Buwan ng HUNYO:
-Paglalatag ng mga bagong programa para sa kalusugan, kaligtasan, at mga aktibidad na kapaki-pakinabang para sa bawat pamilya sa Barangay Dela Paz ngayong buwan.
Patuloy po kaming magtatrabaho nang tapat at maayos para sa patuloy na pag-asenso ng ating barangay. Sama-sama nating salubungin ang buwan ng Hunyo nang may pag-asa at pagkakaisa! 🤝✨