26/05/2026
๐๐ ๐๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐, ๐๐๐ฒ ๐๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฒ: ๐๐๐๐๐ ๐
๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ฎ๐๐ฌ๐ข๐๐ฒ, ๐๐๐ญ๐ข๐-๐๐ข๐ง๐ก๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐-๐๐๐
Isang makabuluhan at makataong inisyatiba ang isinagawa sa pamamagitan ng Fuel Subsidy Assistance Program ng ASA Philippines Employees Credit Cooperative (APECC) para sa Pasig Mandaluyong Quiapo Transport Service Cooperative (PMQ-TSC), bilang patuloy na suporta sa kabuhayan ng mga miyembro ng sektor ng transportasyon.
Ginanap ang turnover sa Caltex Sandoval Avenue, Pinagbuhatan, Pasig noong ika-23 ng Mayo 2026, kung saan maayos at maaliwalas ang naging daloy ng programa mula sa pagbubukas haanggang sa pag-abot ng tulong sa mga benepisyaryo.
Sa kabuuan, nagkaloob ang APECC ng Fuel Subsidy Assistance para sa 30 modern jeepney units, sa halagang โฑ3,000 kada unit, o kabuuang โฑ90,000, bilang direktang tulong sa gastusin sa araw-araw na biyahe at operasyon ng mga tsuper.
Binuksan ni G. Zymoun Benedict Delos Reyes mula sa Pasig City Cooperative Development Office, ang maikling programa bilang Master of Ceremony. Sinundan naman ito ng welcome remarks ni G. Ferdinand U. Jikiri, Chairperson ng APECC, kung saan binigyang-diin niya ang layunin ng APECC na maipagkaloob ang Fuel Subsidy Assistance bilang konkretong suporta sa mga tsuper ng PMQ-TSC, na naglalayong magbigay-ginhawa sa kanilang araw-araw na operasyon at makatulong sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa kabuhayan at biyahe.
Nagpahayag rin ng pasasalamat si G. Benjamin Alvares Jr., Vice Chairperson ng PMQ-TSC, na binigyang-diin ang agarang epekto ng tulong sa kanilang mga tsuper, na araw-araw na lumalaban para sa kabuhayan ng kanilang pamilya.
Sa mensahe ni Bb. Cassandra Gabrielle A. Salangsang na mula rin sa Pasig CDO, kanyang pinasalamatan ang APECC sa patuloy na suporta sa PMQ-TSC. Binigyang-diin niya na ang ganitong programa ay malinaw na sumasalamin sa diwa ng Cooperation Among Cooperatives, kung saan ang pagkakaisa ng mga kooperatiba ay nagbubunga ng konkretong tulong at tunay na benepisyo para sa mga miyembro ng sektor ng transportasyon.
Habang ipinaabot naman ni Engr. Maricel R. Pansoy, Operations Adviser at Officer-in-Charge ng APECC, ang patuloy na suporta ng kooperatiba sa mga programang naglalayong palakasin ang sektor ng transportasyon. Aniya, ang ganitong inisyatiba ay patunay ng buhay na diwa ng Cooperation Among Cooperatives, kung saan ang pagtutulungan ay nagiging konkretong aksyon para sa kapakanan ng mga miyembro at komunidad.
Gayunpaman, dahil 24 lamang ang aktwal na modern jeepney units na kasalukuyang tumatakbo sa PMQ-TSC, nagkaroon ng kakulangan para sa 6 na benepisyaryo, na katumbas ng halagang โฑ18,000.00, na kinilala upang maayos na maitugma ang assistance sa aktwal na bilang ng mga units.
Ang naturang programa ay muling nagpatunay na sa bawat biyahe, sa bawat kalsada, at sa bawat kooperatiba โ may kaagapay na handang umalalay at maghatid ng pag-asa.
#