18/08/2023
TILA yata nagiging insensitibo ang ilan sa ating mga opisyal sa mga panahon ngayong patuloy ang pagtaas ng mga bilihin lalo na ng bigas.
At ang pinaka ayaw marinig nating mga Konsyumer ang mga katagang, “mag iba kaya tayo ng diet?”, “kumain naman tayo ng camote o ng white corn?”.
Batid din po ng mga tunay na namamalengke kung gaano kamahal ang per kilo ng camote at mais ngayon.
Halos o kadalasan ay mas mahal pa kaysa sa bigas. Maging ang saging na makakapag palakas sana ng ating mga tuhod, ngayon ay manghihina ka na rin sa presyo.
Ang gusto po sana natin sa LKI, ay marinig ang mga ahensya ng gobyerno na;
- Sila ay nangunguna na para payapain ang umiiral na mataas na presyo ng ilang mga pangunahin bilihin para kahit papaano ay hindi sumabay sa mataas na presyo ng bigas.
- Hulihin at tunay na papapanagutin ang mga nananamantala at ‘profiteers’ (May nabalitaan na ba kayo?
- Patuloy na maghanap at tumulong sa mga raw materials producers at maipasok sila sa food supply chain na direktang bibilhin ng gobyerno para mapamura ang cost of production ng mga pagkain.
Ilan lamang po yan sa suhestiyon natin.
SANA pakinggan!
In the meantime, as of August 18, ang presyo po ng;
Camote - 60 pesos / kilo mula sa source = 70-80 pesos na sa sa pamilihan
Camoteng kahoy - 40 pesos / kilo mula sa source = 50-60pesos sa pamilihan
Puting Mais - 45 - 65pesos per kilo mula sa source = halos 80 na sa pamilihan
(As of 5:am, August 18, 2023 sa Divisoria at Polo Market LKI monitor)