19/06/2026
June 18, 2026 | Blue Ribbon Committee
Bilang miyembro ng Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Chairperson Konsi Angelu De Leon, masusing sinusuri namin ang bawat usapin upang matiyak ang katotohanan, katarungan, at mabuting pamamahala.
Bahagi ng aming tungkulin ang pakinggan ang magkabilang panig at maghanap ng makatarungang solusyon para sa kapakanan ng nakararami. Habang wala pang napapatunayan, mananatiling kumpidensyal ang mga detalye ng pagdinig upang mapangalagaan ang due process at maiwasan ang maling paghusga.
Patuloy kaming naninindigan para sa tama at nagsusulong ng maayos at makatarungang pamamahala. 🙏🏼