14/07/2026
๐๐ข๐ข๐ | Pasig City Launches 1st Batch of Emergency Medical Responder Training
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng mga komunidad sa panahon ng sakuna at iba pang emergency, matagumpay na isinagawa ng Pasig City Government, sa pamamagitan ng Pasig City Disaster Risk Reduction and Management Office (PCDRRMO), ang 1st Batch ng Emergency Medical Responder (EMR) Training and Emergency Medical Service NC II Assessment (EMR-EMS NC II).
Layunin ng competency-based training na ito na higit pang mapaunlad ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng ating mga Barangay Responders sa pagbibigay ng agarang medical response at episyenteng pagtugon sa ibaโt ibang uri ng emergency sa kanilang mga nasasakupan.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig upang matiyak na ang bawat barangay ay may mga responder na handa, mahusay, at may sapat na kakayahan sa paglilingkod sa oras ng pangangailangan.
Ang isinagawang aktibidad ay ang unang batch lamang ng programa, at inaasahan ang pagsasagawa ng ikalawang batch upang mas marami pang barangay responders ang mabigyan ng parehong pagsasanay at pagkakataong makamit ang Emergency Medical Service NC II Assessment.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig ang isang mas ligtas, mas matatag, at mas handang komunidad para sa lahat.