16/08/2026
Mahirap na pagkasyahin ang ₱1,000 sa Isang araw sa taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at bayarin.
Hindi sana aabot sa ganitong sitwasyon kung tunay na may puso sa kapakanan ng mamamayan ang Gobyerno natin.
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin, malaking kawalan para sa sektor ng manggagawa ang hindi pag-usad ng ₱85 na dagdag sahod na matagal nang hinihiling.
Kaya patuloy tayong naninindigan at nananawagan para sa makatarungan at sapat na sahod.
Hindi lamang ang mga manggagawa ang apektado. Ramdam din ito ng kabataan at ng bawat pamilyang Pilipino—sa pamasahe, pagkain, matrikula, proyekto, thesis, at iba pang pang-araw-araw na gastusin. Kapag mababa ang kita ng mga magulang at manggagawa, damay ang buong sambahayan.
Panahon nang unahin ang kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino. Ang pag-unlad ay dapat maramdaman ng lahat, hindi lamang ng iilan.
Maraming salamat sa Kamanggagawa Partylist at Kamanggagawa Youth sa patuloy na paninindigan at pagsusulong ng mga adbokasiyang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa, kabataan, at ng sambayanang Pilipino.