13/06/2026
Nagsagawa po tayo ng site visit sa Tambakan, Barangay San Miguel kasama si Sir Alvin mula sa Meralco upang personal na tingnan at aksyunan ang mga concern kaugnay ng electrical connection sa lugar. ⚡🏘️
Layunin po nating masigurong magkaroon ng mas ligtas, legal, at maayos na koneksyon ng kuryente para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan ng tulong at serbisyo. Tuloy-tuloy po ang ating pakikipag-ugnayan para sa kapakanan ng bawat Pasigueño. 🤝