PLM - Partido Lakas ng Masa

PLM - Partido Lakas ng Masa It was founded on Jan. 2009. What is Partido Lakas ng Masa (PLM)? The PLM is more than a party-list organization. The PLM is more than an electoral organization.

Partido Lakas ng Masa (PLM) or Party of the Labouring Masses is a certified National Political Party since 2011 and is now running for partylist for the 2019 elections. PLM is a political party that was born from the unity of various mass organizations of workers and the poor to form a political party that will serve as a viable instrument in the political struggle of the masses. PLM counts from

among its ranks the broad sector and sections of the working class and the toiling masses – the industrial workers, urban poor, farmers and agricultural workers, vendors, teachers, tricycle drivers, jeepney drivers, youth and students, women and other marginalized sectors of Philippine society. It intervenes and field candidates in the local, district and national elections. It advances the interests of the toiling masses through mass struggles. It recognizes the election as an arena of struggle, but it intervenes in the election not in the traditional form of campaigning but in ways and forms that raises the level of mobilization and struggles of the masses.

Utterly damning “praise” from Trump’s war chief, Hegseth.And Hegseth’s criteria — alignment with US interests. The Phili...
31/05/2026

Utterly damning “praise” from Trump’s war chief, Hegseth.
And Hegseth’s criteria — alignment with US interests.

The Philippines is being praised as a model ally because under the BBM administration it has aligned more closely than ever before with U.S. strategic interests, marked by an alarming increase in military spending and deeper defense integration.

This reflects the Pentagon’s criteria of “burden sharing”: allies committing more resources to advance U.S. regional objectives at the expense of their own national priorities.

Meanwhile, health care, education, housing, climate resilience and the overall welfare of the people remain hopelessly underfunded as billions are directed toward military expansion.

We demand:
• No to the Philippines being turned into a forward base for the U.S. military agenda!
• Reprioritization of the national budget toward the welfare of the people — job creation with a living wage, health care, education, housing, climate resilience, and social protection programs!
• No to EDCA and all military agreements with the U.S.!
• A genuine independent foreign policy that puts Filipino needs—not U.S. interests—first!

(Link to article in comments.)

HAPPENING NOW!Partido Lakas ng Masa - Oriental Mindoro Provincial Assembly na dinaluhan ng iba’t ibang bayan ng Oriental...
30/05/2026

HAPPENING NOW!

Partido Lakas ng Masa - Oriental Mindoro Provincial Assembly na dinaluhan ng iba’t ibang bayan ng Oriental Mindoro.

29/05/2026
29/05/2026

PANOORIN!

Interbyu kay PLM Chairperson Sonny Melencio ng Brigada News FM Manila kaugnay sa Pekeng House Bill 8389 nina Bodjie Dy at Sandro Marcos.

HOUSE BILL 8389
PEKE, IBASURA!

END ELITE RULE!
DINASTIYA WAKASAN!

28/05/2026

Groups gathered at the House of Representatives on Thursday in protest against House Bill 8389 or the Anti-Political Dynasty Act, recently approved on second reading.

"Magbabantay kami sa Senate kaya lang parang walang pag-asa rin doon. Kaya ang aming talagang proyekto, 'yung alternativ...
28/05/2026

"Magbabantay kami sa Senate kaya lang parang walang pag-asa rin doon. Kaya ang aming talagang proyekto, 'yung alternative bill na gagawin through people's initiative signature campaign. Nasa Constitution din yon,"

-Sonny Melencio, Partido Lakas ng Masa - Chairperson

The Partido Lakas ng Masa conducted a protest action outside the House of Representatives Thursday morning against the current version of the anti-political dynasty bill.

House Bill 8389 ni Dy at Marcos,PEKE, IBASURA!Nagsagawa ng kilos-protesta ng Partido Lakas ng Masa kasama ang Bukluran n...
28/05/2026

House Bill 8389 ni Dy at Marcos,
PEKE, IBASURA!

Nagsagawa ng kilos-protesta ng Partido Lakas ng Masa kasama ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas, Oriang, K4K-QC, at Samahan ng mga Progresibong Kabataan (SPARK) sa harap ng House of Representatives kaninang umaga.

Malinaw na pambubudol ito sa mga tao! Ang panukalang Anti-Political Dynasty Act o House Bill no. 8389, na ang principal author ay mga obese dynasty na sina Dy (Isabela) at Marcos (Ilocos at Leyte) kasapakat si Adiong (Lanao del Sur) bilang sponsor nito sa plenary, ay isang panloloko sa manggagawa’t masa dahil ito’y isang “pekeng anti-dynasty bill” na pinangungunahan ng mga elitistang dinastiya.

Kaya ang aming panawagan:

House Bill 8389,
PEKE, IBASURA!

Dinastiya Wakasan!
Wakasan ang elite rule!

Isulong ang demokratiko at sosyalistang pagbabago!

28/05/2026

Sama-samang pagkilos ng Partido Lakas ng Masa kasama ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino, Sanlakas, Oriang, K4K QC, at SPARK - Samahan ng Progresibong Kabataan kontra sa pekeng House Bill 8389!

HB 8389 ni Dy at Sandro,
Peke, Ibasura!

27/05/2026

Media Advisory for PLM Activity at Batasan Tomorrow (May 28/Thurs)

WHAT: A Protest Against “Peke and Basura Bill” HB 8389 of Cong. Bodjie Dy and Cong. Sandro Marcos

WHEN: May 28, 2026,

WHERE: 9:00 AM - assembly in front of DSWD Office

10:00 AM - In front of House of Representative for main program

WHO: Leaders from the country’s most prominent urban poor, labor, and economic justice organizations, including Partido Lakas ng Masa (PLM), Buklurang ng Manggagawang Pilipino (BMP), SANLAKAS, Samahan ng mga Progresibong Kabataan (SPARK), ORIANG, Kababaihan para sa Kabuhayan, Kalusugan, Kalikasan, at Katiyakan sa Paninirahan (K4K-QC), Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), at Samahan ng Manggagawa ng Zone One Tondo Organization (SM-ZOTO).

WHY: Because the consolidated House Bill No. 8389 was approved on 2nd Reading on May 20, Wednesday. It originated from House Bill 6771, authored by House Speaker Bodjie Dy, from the political dynasty in Isabela, and Representative Sandro Marcos, from the Marcos dynasty.

Key speaker Sonny Melencio, chairman of Partido Lakas ng Masa and leaders from BMP, Sanlakas, SPARK, Oriang, K4K-QC, KPML, and SM-ZOTO.

Members of the media are invited to cover the activity and secure statements from organizers and speakers.

Contact person:

Sonny Melencio

Partido Lakas ng Masa - Chairperson

09088173169

PAHAYAG NG PARTIDO LAKAS NG MASA (PLM)Sa Pag-apruba ng HB 8389 sa Second Reading: Paulit-ulit na binubudol ng dinastiya ...
26/05/2026

PAHAYAG NG PARTIDO LAKAS NG MASA (PLM)
Sa Pag-apruba ng HB 8389 sa Second Reading:

Paulit-ulit na binubudol ng dinastiya ang masa

Muli na namang binudol ng mga naghaharing uri at dinastiya ang malawak na masa nang aprubahan ng Kamara sa 2nd reading ang House Bill No. 8389, o pekeng panukala na Anti-Political Dynasty Act.

Nagkapit-bisig ang magagaling na 175 kinatawan ng Kamara para suportahan ang HB 8389 na ang pangunahing proponent ay sina House Speaker Bodjie Dy, mula sa dinastiya sa Isabela, at si Sandro Marcos, mula sa dinastiyang Marcos.

Nagdudumilat ang kalokohan: ang institusyong magpapasya sa pagbabawal ng dinastiya sa gobyerno ay mismong institusyong pinatatakbo ng mga dinastiya.

Kontrol ng dinastiya

Ayon sa huling pagsusuri ng midya, humigit-kumulang sa 80% ng mga miyembro ng Kamara ang kabilang sa dinastiya.

Sa Senado, 20 senador (83%) ay bahagi ng dinastiya gaya ng magkakapatid na Cayetano, Villar, Tulfo, Estrada-Ejercito, at angkan ng Marcos (Imee), Escudero, Marcoleta, Legarda, at iba pa.

Nagkapit-bisig sa HB 8389 ang mga malalim nang nakaugat na angkan ng mga Dy, Marcos, Tan, Zamora, Tolentino, Angara, Rodriguez, Hernandez, Singson, at iba pang nakalista sa House committee report.

Ipinakikita nito ang lalim ng kontrol ng dinastiya sa paghahari sa halos buong gobyerno at ang ibinubunga nitong krisis ng pandarambong, korapsyon, patronage, at impunity.

‘Pagbabawal’ ng HB 8389 sa dinastiya

Matuwa na raw tayo dahil bawal na ang dinastiya hanggang second degree ng pamilya sa dugo at pamilya sa asawa.

• Ang second degree sa dugo (consanguinity) ay binubuo ng nuclear family (mag-asawa, magulang nila, at mga anak) hanggang mga kapatid at apo.

• Ang second degree sa asawa (affinity) ay mga in-laws – magulang hanggang mga kapatid ng asawa.

Hindi mabubuwag ng 2nd degree na pagbabawal ang paghahari ng mga dinastiya. Dahil hindi nito pinagbabawal ang pagtakbo at pag-upo sa pwesto ng mga pamangkin at pinsang-buo. Marami sa dinastiya ay pinapalitan ng pamangkin at pinsan kapag tapos na ang kanilang termino o termino ng malapit nilang pamilya.

Pambubudol din ang ipagmalaking isa lamang mula sa isang angkan ang pwedeng tumakbo at mahalal sa pambansang pwesto gaya ng Presidente, Bise-Presidente, at Senador.

Pero kasabay nito, pwedeng tumakbo, kahit sabay-sabay, ang dalawa o higit pang myembro ng dinastiya sa Kongreso, Governor, Mayor, at Barangay Captain – basta’t hindi sa iisang distrito o probinsya!

Rigodon ng dinastiya

Sa HB 8389, pinapayagan din ang palitan ng posisyon at paglipat sa iba’t ibang distrito, probinsya, munisipalidad, o party-list groups ng mga kaanak.

Sa kabuuan, pinapanatili nito ang kanilang makinaryang pampulitika at kinulimbat na yaman. Pinagtitibay rin ang patronage, kontrol sa negosyo, at impunity ng mga dinastiya.

Peke at basurang anti-dynasty bill

Pekeng anti-dynasty bill ang HB 8389 dahil pinagpapatuloy at pinalalakas nito ang mga dinastiyang pampulitika habang nagpapanggap na laban dito.

Basura Bill ito dahil pananatilihin nito ang pagkakalat ng katiwalian at pang-aabuso ng dinastiya na binulok na ang Pilipinas sa kanilang paghahari.

Ang dinastiya rin ang kabilang sa oligarkiya, mga panginoong maylupa, malalaking negosyante, kontratista, at criminal warlords (sa droga, prostitusyon, at iba pa).

Samakatwid, hindi maaaring umasa lamang sa Kongreso na pinatatakbo rin ng dinastiya. Ang tunay na demokratikong reporma ay makakamit sa paglaban at pagbabagsak sa kanila.

Nanawagan ang PLM sa sumusunod:

1. Pagpapasa ng tunay na anti-political dynasty law na magbabawal sa pagtakbo ng mga angkan hanggang sa 4th degree sa dugo at asawa.

2. Pagwawakas sa pulitika ng vote buying, kontrol sa campaign finance ng mga trapo, at pagbabawal sa paggamit ng impluwensya ng mga korporasyon at oligarkiya sa anumang paraan.

3. Pagwasak sa kontrol ng dinastiya sa mga lokal na pamahalaan, kabilang ang pagtatayo ng mga private army, ang patronage system, at ang mga kartel sa negosyo.
4. Pagpapalakas ng tunay na party-based na pulitika na nakabatay sa programa at kilusang masa – sa halip na personalidad at pulitika ng mga angkan.

5. Pagbubuo ng independyenteng organisasyong masa, at mga demokratikong pormasyon sa grassroots na hindi pabibili, hindi pagagamit, at may kakayahang ibagsak ang paghahari ng mga elite lampas sa eleksyon.

Hindi kami naniniwala na makakamit ang tunay na kontra-dinastiyang batas mula sa buong Kongreso, kaya nagkaisa rin kaming sumanib sa malawak na koalisyon na maglulunsad ng People’s Initiative Bill na alternatiba sa mga pekeng batas na ginagawa ng mga nasa pwesto.

Ipapahayag namin sa malapit na hinaharap kung kailan at paano ito ilulunsad.

Ang laban kontra-dinastiya ay hindi maihihiwalay sa mas malawak na laban sa paghahari ng oligarkiya, sa pagkontra sa korapsyon at impunity, o walang habas na pang-aabuso at pagsasamantala ng iilan.

Kailangang wakasan ang panlipunan at ekonomikong pundasyon ng kapangyarihan ng mga elite.

Dapat lumampas ang ating mga demokratikong pakikibaka sa mga simbolikong reporma lamang. Dapat ganap na ibasura ang dinastiya at mga trapo, at itatag ang Gobyerno ng Masa na kapalit nito.

Wakasan ang elite rule!
Isulong ang demokratiko at sosyalistang pagbabago!

Mayo 26, 2026

Address

Pasig City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PLM - Partido Lakas ng Masa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to PLM - Partido Lakas ng Masa:

Share