05/10/2026
Bilang bahagi ng ating paghahanda para sa 49th ASEAN Summit, nakibahagi ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Inter-Agency Coordination Meeting on the Harmonized Actions and Interventions, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Mahalaga ang pagpupulong na ito upang mapag-isa ang ating mga operational plans, interventions, at mga hakbang na kinakailangan upang matiyak ang maayos at episyenteng koordinasyon sa buong panahon ng summit.
Nakatuon po ang MMDA sa maayos na traffic management, mobility, crowd management, at agarang pagtugon sa mga pangangailangan sa iba’t ibang lugar na pagdarausan ng mga aktibidad.
Sisiguraduhin nating maayos ang daloy ng trapiko at transportasyon habang binibigyang-prayoridad ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga delegado at ng publiko.
Mahalaga ang seamless coordination at mabilis na communication sa pagitan ng bawat concerned agency upang maging handa tayo sa anumang sitwasyon at agarang makapagpatupad ng kinakailangang interventions.