02/04/2026
🩸 LENTEN CALL FOR BLOOD DONATION | DUGONG CALABARZON
Sa bawat patak ng dugong ating ini-aalay, may pusong patuloy na titibok, may pamilyang muling ngingiti, at may buhay na muling mabibigyan ng pag-asa.
Ngayong panahon ng Kuwaresma, panahon ng pagninilay, sakripisyo, at taos-pusong pagmamalasakit, maging daan tayo ng buhay at pag-asa para sa kapwa.
Sama-sama tayong lumahok sa 𝐕𝐨𝐥𝐮𝐧𝐭𝐚𝐫𝐲 𝐍𝐨𝐧-𝐑𝐞𝐦𝐮𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧, isang tunay at makabuluhang handog ng pag-ibig ngayong Lenten Season. ❤️🩸
Narito ang link ng advisory na naglalaman ng iskedyul ng operasyon at contact details ng iba’t ibang Blood Service Facilities sa CALABARZON ngayong Holy Week (Holy Monday hanggang Easter Sunday):
👉 https://bit.ly/DugongCaLaBaRZon
Inaanyayahan ang lahat na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na pasilidad.
"Dugong CALABARZON, handang maglingkod sa makabagong panahon, anuman ang maging pagkakataon"