06/09/2026
Nakiisa tayo sa banal na Misa para sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Gregorio!
Ang pagkakataong ito ay isang magandang papuri at pasasalamat sa ating Panginoon para sa lahat ng biyaya, gabay, at proteksyon na patuloy Niyang ipinagkakaloob sa ating komunidad. Nawa'y maging inspirasyon ang buhay at halimbawa ni San Gregorio upang lalo pang mag-alab ang ating pananampalataya at pagtutulungan bilang isang pamilyang Pasayeño.
Maraming salamat po sa ating mga Paring Tagapagdiwang, Parish Pastoral Council, at sa lahat ng mga parishioners at ating mga mamamayan na nakiisa sa banal na pagtitipon na ito!
Maligayang Pista po sa lahat!