Brgy. 193 Zone 20 Pasay City

Brgy. 193 Zone 20 Pasay City This will show all the Barangay 193 Zone 20 Pasay City Activities

Mga Ka
09/09/2026

Mga Ka

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 10

Pursuant to Memorandum Circular No. 135, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on September 10, 2026, in anticipation of continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and the cumulative effects of prolonged rainfall:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Benguet
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Zambales
πŸ“ Batangas
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Rizal
πŸ“ Occidental Mindoro
πŸ“ Oriental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

Contract of Service (COS) and Job Order (JO) workers placed under alternative work arrangements shall be paid their corresponding wages or salaries, subject to applicable rules and regulations.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

πŸ“’ TUPAD BACK-UP PROFILINGMagandang hapon po sa lahat! πŸ“’ TUPAD BACK-UP PROFILING β€” SEPTEMBER 10, 2026 Para sa mga kabilan...
09/09/2026

πŸ“’ TUPAD BACK-UP PROFILING

Magandang hapon po sa lahat!

πŸ“’ TUPAD BACK-UP PROFILING β€” SEPTEMBER 10, 2026

Para sa mga kabilang sa BACK-UP MASTERLIST na natanggap natin nitong 5:10 ng hapon ng September 9, 2026 para sa TUPAD, magkakaroon po tayo ng TUPAD Profiling bukas, September 10, 2026 (Huwebes), ganap na 8:00 AM sa Barangay 192 Court.

Ang profiling na ito ay para sa mga BACK-UP beneficiaries na maaaring pumalit sa mga nasa naunang listahan na hindi makakapunta o hindi makakapagpatuloy sa DSWD Repacking – 4th Batch.

πŸ“ VENUE: Barangay 192 Court
πŸ“… DATE: September 10, 2026 (Thursday)
⏰ TIME: 8:00 AM
MAGSUOT ng WHITE POLO/T-SHIRT, MAGPANTALON AT MAGSAPATOS. PAKIDALA ang NATIONAL ID.

⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
Ang lahat ng kabilang sa BACK-UP MASTERLIST ay inaabisuhang dumalo sa tamang oras. Ang profiling ay bahagi ng proseso upang matukoy ang mga maaaring maging kapalit ng mga hindi makakapagpatuloy sa nasabing programa.

πŸ“Œ Huwag po sanang mahuli at siguraduhing makadalo.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

β€” Barangay 193 Zone 20, Pasay City

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | TUPAD 4TH BATCH PROFILINGSa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng ating Barangay at ng ating Punong Baran...
09/09/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | TUPAD 4TH BATCH PROFILING
Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng ating Barangay at ng ating Punong Barangay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagkaroon tayo ng mga slot para sa TUPAD Program para sa ating mga ka- .
DSWD REPACKER – CONSOLIDATED MASTERLIST
πŸ“‹ 200 slots para sa mga piling kalahok mula sa iba't ibang Barangay sa MIA District 1 Pasay City
πŸ“Œ Para sa
33 beneficiaries ang kabilang sa consolidated masterlist.
TUPAD PROFILING
πŸ“… SEPTEMBER 10, 2026 | HUWEBES
⏰ 8:00 AM
πŸ“ BRGY. 192 COURT

IMPORTANT REMINDERS:
βœ… Tingnan at i-check ang inyong pangalan sa consolidated Masterlist na nakapaskil sa ibaba.
βœ… Dalhin ang inyong National ID at sariling ballpen.
βœ… Magsuot ng puting T-shirt.
❌ Kung wala ang inyong pangalan sa listahan, huwag mag-alala. Maaari kayong maghintay para sa susunod na batch.

PARA SA MGA BAGONG APLIKANTE NG BRGY. 193 ZONE 20, PASAY CITY:

Kung nais ninyong maisama sa susunod na batch, mangyaring magtungo sa Barangay 193 Hall at hanapin ang Barangay Secretary upang makakuha ng application form.

Para naman sa mga residente ng ibang Barangay, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong Punong Barangay o Barangay Secretary.
πŸ“’ PAALALA:
Dapat ay nasa venue na po kayo bago o pagsapit ng 8:00 AM upang maging maayos at mabilis ang proseso ng profiling.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon! πŸ’š
Barangay 193 Zone 20

Mga Ka
07/09/2026

Mga Ka



Suspendido ang face-to-face classes ngayong araw, Setyembre 8, 2026 sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasay, alinsunod sa direktiba ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano mula sa rekomendasyon ng Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office. Ito ay dulot ng inaasahang masamang lagay ng panahon dala ng hanging habagat.

Ang mga paaaralan ay inaabisuhan na gumamit ng alternatibong paraan ng pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.

Mag-ingat po tayong lahat!

05/09/2026

Mga Ka na SENIORS/ PWD/ PODA na may PINK Card para SA bigas.. wala po tayong hawak na MASTERLIST. Pina announce lamang po ito Ng PSWDD.

πŸ“’ ANNOUNCEMENT: BIGAS DISTRIBUTION – 2ND TRANCHE

Good day po! πŸ’—

Magkakaroon po tayo ng release/distribution ng bigas sa Monday, September 7, 2026.

πŸ“Œ IMPORTANT:
βœ… Para lamang po sa 2nd tranche / pangalawa pa lamang ang tatanggap.
βœ… Open po sa Senior Citizens, PWD/PODA, at iba pa, basta pangalawa pa lamang ang kanilang tranche.
βœ… Dapat may STUB CARD o PINK CARD po para makapag-claim.

❌ Ang mga nakatanggap na ng 3 tranches ay HUWAG MUNA BIBIGYAN.

πŸ“ Venue: Brgy. 197 Daycare, Padefo 2
πŸ“… Date: Monday, September 7, 2026
⏰ Time: 1:00 PM – 4:00 PM

Paalala: Dalhin po ang inyong STUB CARD o PINK CARD. Maraming salamat po! πŸ™πŸ’—

⚠️ ATTENTION: UPLIFT PAYOUT ANNOUNCEMENT πŸ“’ Good day po!Para po sa UPLIFT Payout, pakitandaan ang mga sumusunod:πŸ“ Venue: ...
03/09/2026

⚠️ ATTENTION: UPLIFT PAYOUT ANNOUNCEMENT πŸ“’

Good day po!

Para po sa UPLIFT Payout, pakitandaan ang mga sumusunod:

πŸ“ Venue: Cuneta Astrodome
DATE: SEPTEMBER 4, 2026 (FRIDAY)
πŸ•™ Schedule: 10:00–11:00 AM
πŸ“Œ Area: CAA II Area

Paliwanag: SA FIRST PAYOUT, MAY GCASH OR WALA, KAILANGANG MAKUHA NG PERSONAL

πŸ“‹ MGA DAPAT DALHIN:

1. πŸ“„ Waiver ( pakikuha po ang WAIVER SA BRGY 197 DAY CARE CENTER NG 9:00AM Ngayong araw - Sept 4, 2026 para iwas abala SA Payout.

2. πŸͺͺ Valid Government ID – dalhin ang ORIGINAL ID
3. πŸ“‘ 3 photocopies ng Valid Government ID
4. ✍️ 3 pirma sa mga kinakailangang dokumento
5. πŸ“œ Death Certificate ng deceased, kung applicable
6. πŸ‘€ Para mas mabilis at sigurado, papuntahin na rin po ang replacement at ang original na nasa masterlist, kasama ang waiver.

⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
Lahat po ng nasa NSA Masterlist na validated at qualified ay kailangang pumunta.

⏰ PUMUNTA PO NANG MAAGA AT HUWAG MAGPAHULI-HULI dahil mabilis lang po ang payout at limited ang oras.

πŸ“Œ Siguraduhing kumpleto ang requirements bago pumunta para maiwasan ang abala at pagka-delay.

Maraming salamat po! πŸ’—

Mga Ka
01/09/2026

Mga Ka

PUBLIC ADVISORY: MAGING LIGTAS SA HAZE

Ang haze ay maruming hangin na may halong maliliit na usok o alikabok mula sa sunog o abo. Dahil sa sunog sa Kalimantan, Indonesia na natatangay dulot ng hanging habagat, umabot na ito sa ilang bahagi ng Luzon at nagdulot ng β€œpoor air quality”.

Bunga nito, pinapayuhan ang mga PasayeΓ±o na:
βœ”οΈManatili sa loob ng bahay hangga’t maaari;
βœ”οΈ Magsuot ng Facemask o N95 mask (kung mayroon) tuwing lalabas ng bahay.;
βœ”οΈIsara ang mga pintuan at gumamit ng basang tela para takpan ang mga siwang; at
βœ”οΈGumamit ng headlights o fog lights kapag bibiyahe sa gabi at malabo ang paligid.

Maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Health Office, Pasay City General Hospital o Pasay Disaster Risk Reduction Management Office para sa tulong o karagadagang impormasyon.

Paanyaya SA ating mga Ka   . Handog ni Mayor Emi Calixto-Rubiano SA kanyang kaarawan.
10/08/2026

Paanyaya SA ating mga Ka . Handog ni Mayor Emi Calixto-Rubiano SA kanyang kaarawan.

THE PINK PARTY: MAYOR EMI’s BIRTHDAY CELEBRATION

Ang buwan ng Agosto ay espesyal para sa Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil ito ay buwan ng kanyang kaarawan. Kaugnay nito, naririto ang mga gawain hindi lamang upang magdiwang kundi upang dalhin ang Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod sa bawat Pamilyang PasayeΓ±o. Bagkus na tayo ang magbigay ng regalo, siya ang naghanda ng mga programa na maaari nating salihan, kung kaya makipag-ugnayan dito sa ating page o sa Mayor Emi Calixto-Rubiano page para sa mga detalye at kung papano makakasali.

Magkita-kita po tayo at sama-samang bumati ng β€œMaligayang Kaarawan, Mayor Emi!”

PAGPAPASALAMAT AT PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY Sa gitna ng Enhanced Habagat at pagtaas ng tubig-baha, 24 na pamilya o...
09/08/2026

PAGPAPASALAMAT AT PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY

Sa gitna ng Enhanced Habagat at pagtaas ng tubig-baha, 24 na pamilya o 60 indibidwal ang pansamantalang lumikas sa ating Barangay Hall Evacuation Center mula kagabi hanggang kaninang umaga.

Taos-puso po ang ating pasasalamat kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, sa DSWD at PSWDD, sa agarang pagtugon at pagbibigay ng ayuda sa ating mga evacuees ng aming mga Ka na pinamumunuan ni Punong Barangay Michael Mikael Dawal

PAALALA: Ang ayuda ay ipinagkaloob sa mga pamilyang aktuwal na lumikas, naitala at na-assess ng PSWDD sa evacuation center.

Nauunawaan po natin ang sitwasyon ng lahat ng naapektuhan ng baha. Patuloy po tayong mag-ingat at maging alerto. Kung kinakailangan, huwag mag-atubiling lumikasβ€”kaligtasan po ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. πŸ™

08/08/2026

🌧️ PAALALA SA ATING MGA KA-BARANGAY 193

Dahil sa patuloy na pag-ulan, binabaha na po ang ilang bahagi ng ating mga kalsada. Kaya naman, muli po nating hinihiling ang inyong pag-iingat, lalo na para sa ating mga anak. ❀️

🚫 HUWAG PO NATIN HAYAANG MALIGO, MAGLARO O LUMUSONG SA TUBIG-BAHA ANG ATING MGA ANAK.

Ang tubig-baha ay maaaring marumi at may halong ihi o dumi ng daga at iba pang dumi mula sa kapaligiran na maaaring magdulot ng Leptospirosis, isang sakit na maaaring maging seryoso.

πŸ‘§πŸ‘¦ Para sa kaligtasan ng ating mga anak at buong pamilya:β€’ Iwasang lumusong o maglaro sa baha kung maaari.β€’ Ilayo ang mga bata sa maruming tubig-baha.β€’ Kung may sugat, iwasang ma-expose ito sa tubig-baha at panatilihing malinis at protektado.β€’ Panatilihing malinis ang katawan at mga kamay matapos ma-expose sa baha.

🚨 KUNG KINAKAILANGAN NANG LUMIKAS
Kung patuloy na tumataas ang tubig-baha at kinakailangan na po ninyong lumikas, mangyari lamang na mag-chat o mag-message sa ating Barangay page at ibigay ang sumusunod:
πŸ“Œ Pangalan:
πŸ“Œ House Number:
πŸ“Œ Street:
πŸ“Œ Bilang ng Taong Kailangang LUMIKAS:
Ang mga impormasyong ito ay agad nating maisangguni sa ating mga Barangay Tanod at TK Rescue Team upang maaksyunan at matulungan ang mga residenteng nangangailangan ng paglikas.
πŸ™ Huwag po nating hintaying maging delikado ang sitwasyon bago humingi ng tulong.

Unahin po natin ang kaligtasan ng ating pamilya, lalo na ang mga bata, matatanda, at mga nangangailangan ng karagdagang tulong.

Mag-ingat po tayong lahat, mga Ka-Barangay 193.
πŸ’š Sa panahon ng baha, ang pagiging maagap ay maaaring makapagligtas ng buhay.

🏠 EVACUATION AREA:Ang mga residenteng kailangang lumikas ay maaaring dalhin sa itinalagang Evacuation Center at sa Barangay Hall, depende sa sitwasyon at sa magiging assessment ng ating mga response team.

⚠️ Huwag na po nating hintaying maging lubhang delikado ang sitwasyon bago humingi ng tulong.

Para sa ating mga senior citizen, bata, buntis, persons with disability (PWD), at mga residenteng nangangailangan ng espesyal na tulong, mangyaring ipagbigay-alam agad upang mabigyan ng kaukulang prayoridad.

πŸ™ Kaligtasan po nating lahat ang ating pangunahing layunin.

Mag-ingat po tayong lahat, mga Ka-Barangay 193!

πŸ’š Maging alerto, maging maagap, at magtulungan sa panahon ng baha.

Address

Road 4
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 11am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. 193 Zone 20 Pasay City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy. 193 Zone 20 Pasay City:

Shortcuts

Share