One Love Mulawin - Brgy. 182 Zone 19

One Love Mulawin - Brgy. 182 Zone 19 Connecting with the people of Mulawin Town. Providing updates and latest happenings in our friendly barangay thru the help of internet.

‼️ ANNOUNCEMENT ‼️ What: SENIOR CITIZEN NCR SOCIAL PENSION PAY-OUTWhen & Where: AUGUST 26, 2026 - MALIBAY PLAZA
24/08/2026

‼️ ANNOUNCEMENT ‼️

What: SENIOR CITIZEN NCR SOCIAL PENSION PAY-OUT

When & Where: AUGUST 26, 2026 - MALIBAY PLAZA

⚡ PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY!Ipinapaalam po na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ila...
07/08/2026

⚡ PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY!

Ipinapaalam po na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar bilang bahagi ng isasagawang pagpapahusay at pagkukumpuni ng pasilidad ng MERALCO.

📅 Petsa: Agosto 11, 2026 - MARTES
⏰ Oras: 9:00 AM – 2:00 PM
📍 Mga Lugar: Mulawin Road, Saint Peter Street at Saint Francis Street

🛠️ Saklaw ng Gawain: Line Extension at Installation of Remote Tying Facility

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Pinapayuhan ang lahat na ihanda ang mga kinakailangang gamit at kagamitan bago ang itinakdang oras ng pagkawala ng kuryente.

📞 Para sa mga katanungan o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa MERALCO Hotline 1622 (local 3299).

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. 🙏⚡

20/07/2026

Bilang bahagi ng programa, ibinahagi rin ng bawat iskolar ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa natanggap na biyaya. Ipinahayag nila ang kanilang lubos na pagpapahalaga sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila at nangakong pagbubutihin pa ang kanilang pag-aaral bilang tugon sa tiwala at suporta na kanilang natatanggap.

Muli, taos-puso naming binabati ang ating mga Presidential Scholars sa mahalagang tagumpay na ito. Nawa’y patuloy kayong magsikap, magsilbing inspirasyon sa kapwa kabataan, at gamitin ang inyong kaalaman upang makapag-ambag sa pag-unlad ng ating komunidad.

𝑻𝑼𝑳𝑶𝑵𝑮-𝑷𝑰𝑵𝑨𝑵𝑺𝒀𝑨𝑳 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑩𝑬𝑵𝑬𝑷𝑰𝑺𝒀𝑨𝑹𝒀𝑶 𝑵𝑮 𝑷𝑹𝑬𝑺𝑰𝑫𝑬𝑵𝑻𝑰𝑨𝑳 𝑺𝑪𝑯𝑶𝑳𝑨𝑹𝑺𝑯𝑰𝑷 𝑷𝑹𝑶𝑮𝑹𝑨𝑴Sa pangunguna ni 𝙋𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙃𝙤𝙣. 𝙍𝙤𝙨𝙚𝙢𝙖𝙧𝙞𝙚 ...
20/07/2026

𝑻𝑼𝑳𝑶𝑵𝑮-𝑷𝑰𝑵𝑨𝑵𝑺𝒀𝑨𝑳 𝑺𝑨 𝑴𝑮𝑨 𝑩𝑬𝑵𝑬𝑷𝑰𝑺𝒀𝑨𝑹𝒀𝑶 𝑵𝑮 𝑷𝑹𝑬𝑺𝑰𝑫𝑬𝑵𝑻𝑰𝑨𝑳 𝑺𝑪𝑯𝑶𝑳𝑨𝑹𝑺𝑯𝑰𝑷 𝑷𝑹𝑶𝑮𝑹𝑨𝑴

Sa pangunguna ni 𝙋𝙪𝙣𝙤𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙃𝙤𝙣. 𝙍𝙤𝙨𝙚𝙢𝙖𝙧𝙞𝙚 𝘾. 𝙀𝙙𝙣𝙖𝙡𝙖𝙜𝙪𝙞𝙢, kasama ang mga Kagawad ng ating Barangay, matagumpay na naipagkaloob ang tig-₱20,000.00 na tulong-pinansyal sa limang benepisyaryo ng Presidential Scholarship Program:

• 𝑱𝒖𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆 𝑪𝒍𝒂𝒓𝒌 𝑨𝒎𝒐𝒓𝒐𝒔𝒐
• 𝑱𝒐𝒏𝒉 𝑱𝒆𝒑𝒉𝒆𝒓𝒔𝒐𝒏 𝑨𝒏𝒄𝒊𝒂𝒏𝒐
• 𝑲𝒉𝒓𝒊𝒔𝒕𝒆𝒍 𝑨𝒏𝒏𝒆 𝑩𝒂𝒍𝒊𝒕𝒐𝒔
• 𝑹𝒆𝒊𝒏𝒂 𝑺𝒉𝒂𝒏𝒆 𝑳𝒊𝒏
• 𝑹𝒂𝒍𝒑𝒉 𝑹𝒂𝒔𝒉𝒆𝒆𝒅 𝒀𝒂𝒅𝒂𝒐

Ang programang ito ay patunay ng patuloy na suporta sa edukasyon at sa kinabukasan ng ating kabataan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang tulong na ito upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Binabati namin ang ating mga Presidential Scholars sa kanilang tagumpay. Patuloy na magsikap at maging inspirasyon sa ating komunidad!

🇵🇭📚


15/07/2026

𝗧𝗥𝗔𝗩𝗘𝗟 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦, 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔!

Bukas, 𝐇𝐮𝐥𝐲𝐨 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬), isasagawa ang releasing ng Financial Assistance para sa 𝟏𝐬𝐭 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐚𝐯𝐞𝐥 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬, 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐘𝐞𝐚𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟓–𝟐𝟎𝟐𝟔, 𝟐𝐧𝐝 𝐒𝐞𝐦𝐞𝐬𝐭𝐞𝐫, sa pamamagitan ng 𝐆𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐚𝐭 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐲𝐫𝐨𝐥𝐥.

Para sa mga iskolar na kabilang sa GCash Payroll, direktang ipapadala ang Financial Assistance sa inyong nakarehistrong GCash account.

Para naman sa mga kabilang sa Manual Payroll, isasagawa rin bukas ang releasing ayon sa mga detalyeng nakasaad sa ibaba.

𝐊𝐀𝐑𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐌𝐏𝐎𝐑𝐌𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍
Para sa mga iskolar na kabilang sa Manual Payroll:

𝐏𝐄𝐓𝐒𝐀 – 𝐇𝐔𝐋𝐘𝗢 𝟏𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐔𝐖𝐄𝐁𝐄𝐒)
𝐎𝐑𝐀𝐒 – 𝟐𝐏𝐌
𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑 – 𝟐𝐧𝐝 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐫, 𝐧𝐞𝐚𝐫 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫’𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐫𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐑𝐨𝐨𝐦, 𝐏𝐚𝐬𝐚𝐲 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐚𝐥𝐥.

🔎 𝗜-𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗬𝗥𝗢𝗟𝗟 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗨𝗦
Gamitin ang Travel City Scholars Payroll Checker upang malaman kung kayo ay kabilang sa GCash Payroll o Manual Payroll at makita ang kasalukuyang status ng inyong record:

https://script.google.com/macros/s/AKfycbyw6ec5wyYrBLR8n_gVkM2GJteGMJpFu7nFtNmG2TsGoLhazlwinJGdfkidyIYsxhe-wg/exec

(Kung kayo ay nakaka experience ng error, buksan ang link na ito gamit ang browser tulad ng Google Chrome, Safari at iba pa.)

Ilagay ang inyong 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐞 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐬𝐭 𝐧𝐚𝐦𝐞 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠, kasama ang
tamang year level. Huwag nang isama ang middle name. Siguraduhing tama ang spelling at tugma sa inyong pagkakarehistro.

Para sa inyong seguridad, 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐢-𝐩𝐨𝐬𝐭 𝐬𝐚 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨 𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐆𝐂𝐚𝐬𝐡 𝐧𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫, 𝐚𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭 𝐝𝐞𝐭𝐚𝐢𝐥𝐬, 𝐎𝐓𝐏, 𝐌𝐏𝐈𝐍, 𝐨 𝐚𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐯𝐞𝐫𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐨𝐝𝐞.

Para sa anumang concern o paglilinaw, 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐏𝐚𝐠𝐞 𝐨 𝐝𝐢𝐫𝐞𝐤𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧.

📢 OPISYAL NA PAALALA 📢Ipinababatid sa lahat ng Senior Citizens na kasalukuyang tumatanggap ng NCR National Pension na is...
07/07/2026

📢 OPISYAL NA PAALALA 📢

Ipinababatid sa lahat ng Senior Citizens na kasalukuyang tumatanggap ng NCR National Pension na isasagawa ang reassessment alinsunod sa umiiral na alituntunin.

Mga kailangang dalhin:
• National ID ng Senior Citizen

❗ Ang sinumang hindi makadadalo sa itinakdang reassessment ay maaaring matanggal sa listahan ng mga benepisyaryo.

Para sa mga senior citizen na bedridden o hindi na kayang personal na dumalo, pinahihintulutan ang isang (1) miyembro ng kanilang immediate family na magtungo bilang kinatawan.

📌 Mga kailangang dalhin:
• National ID ng Senior Citizen
• National ID ng kinatawang miyembro ng pamilya

📍 Lugar: Barangay Multi-Purpose Hall
🗓 Petsa: July 09, 2026
⏰ Oras: 8:00 AM

Inaanyayahan ang lahat ng kinauukulan na makiisa at sumunod sa itinakdang petsa at oras.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon.

Address

Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Telephone

+639458465317

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when One Love Mulawin - Brgy. 182 Zone 19 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to One Love Mulawin - Brgy. 182 Zone 19:

Shortcuts

Share