Office of Barangay 81 Zone 10

Office of Barangay 81 Zone 10 Official FB Page of Barangay 81 Zone 10 Pasay City

Another busy Wednesday at the Barangay Hall—serving our community with heart, dedication, and commitment. From assisting...
09/09/2026

Another busy Wednesday at the Barangay Hall—serving our community with heart, dedication, and commitment.

From assisting our residents to making sure every request and document is properly processed, recorded, and well documented, we continue to do our best to provide efficient, transparent, and reliable public service. 📄✅

Every paper represents a person, a family, and a concern that deserves our attention.

-Office of Barangay 81 Zone 10
-SK Eighty-One

Paying our deepest respects to the gentle soul of our beloved Nanay Erlinda of Barangay Personnel Darra Sanchez. May you...
07/09/2026

Paying our deepest respects to the gentle soul of our beloved Nanay Erlinda of Barangay Personnel Darra Sanchez. May you rest peacefully, Nanay. Your kindness and beautiful memories will forever remain in our hearts. 🕊️🤍

Taos-pusong pagbati mula sa Barangay 81 sa ating limang (5) masisipag at karapat-dapat na mag-aaral na napiling benepisy...
05/09/2026

Taos-pusong pagbati mula sa Barangay 81 sa ating limang (5) masisipag at karapat-dapat na mag-aaral na napiling benepisyaryo ng BBM Scholarship Program!

Kabuuang ₱100,000 ang naipagkaloob na scholarship, kung saan ₱20,000 ang natanggap ng bawat iskolar. Malaking tulong ito para sa kanilang pag-aaral at upang mas maipagpatuloy nila ang kanilang mga pangarap at layunin sa buhay.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagbibigay ng suporta at mga oportunidad para sa mga kabataang Pilipino na nais makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral. Ang ganitong programa ay malaking tulong sa ating mga kabataan at isang magandang hakbang tungo sa mas magandang kinabukasan.

Sa ating mga iskolar, patuloy kayong magsikap at huwag susuko sa inyong mga pangarap. Gamitin ninyo nang mabuti ang pagkakataong ito at magpatuloy sa pag-aaral nang may sipag, tiyaga, at determinasyon.

Congratulations sa ating limang masisipag at karapat-dapat na iskolar! 🎉🎓
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong abutin ang inyong mga pangarap.

-Office of Barangay 81 Zone 10

Agosto 13, 2026Maraming salamat po Vice Mayor Mark Calixto, sa buong OVM Staff, mga DSWD personnel,  sa pagbaba ng TAKE ...
20/08/2026

Agosto 13, 2026

Maraming salamat po Vice Mayor Mark Calixto, sa buong OVM Staff, mga DSWD personnel, sa pagbaba ng TAKE CARE I CARE para sa aming mga Ka-Barangay — para sa new at renewal beneficiaries.

Maraming salamat din po sa ating Health Center sa pagtulong sa PhilHealth YAKAP registration, na malaking tulong upang mas mapalapit sa ating mga kabarangay ang mga benepisyong pangkalusugan.

Malaking tulong po ang mga serbisyong ito para sa ating komunidad. Maraming salamat po sa inyong patuloy na malasakit, serbisyo, at suporta para sa bawat Ka-Barangay!

“UMAAKSYON KAHIT HINDI ELEKSYON”
-Office of Barangay 81 Zone 10

📢 ANUNSYO!!! 📢Sa ating mga ka-Barangay,Magkakaroon po tayo ng TAKE CARE I CARE One Stop Shop para sa mga New at Renewal ...
11/08/2026

📢 ANUNSYO!!! 📢

Sa ating mga ka-Barangay,

Magkakaroon po tayo ng TAKE CARE I CARE One Stop Shop para sa mga New at Renewal Applicants ngayong darating na Huwebes, August 13, 2026, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.

📍 Lugar: Sa harap ng ating Barangay Hall

📌 PAALALA:
Ang mga sumusunod na requirements ay sa Barangay nyo na po mismo kukunin sa Hwebes

* Barangay Clearance
* Cedula
* Assessment mula sa PSWD Office
* Certificate of Eligibility

Magkita-kita po tayo! Maraming salamat po! ❤️

Kasabay din po nito mayroon din po tayong PHILHEALTH YAKAP Registration.

July 28,2026Matagumpay na naisagawa ang Demand Reduction Program 2026 sa pangunguna ng mga opisyal ng CADAC (City Anti-D...
05/08/2026

July 28,2026

Matagumpay na naisagawa ang Demand Reduction Program 2026 sa pangunguna ng mga opisyal ng CADAC (City Anti-Drug Abuse Council). Layunin ng programang ito na palakasin ang kamalayan ng ating komunidad tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at hikayatin ang bawat isa na maging katuwang sa pagtataguyod ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na pamayanan.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga opisyal ng CADAC, mga katuwang, at lahat ng nakiisa sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, edukasyon, at patuloy na pag-iingat, makakamit natin ang isang komunidad na malaya sa panganib ng ilegal na droga.

“Ang pagbabago ay nagsisimula sa tamang kaalaman at pagkakaisa ng bawat isa.”

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na may temang:“Nutrisyon at Kalikasan, Ating...
05/08/2026

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na may temang:

“Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan”
📅 July 19, 2026

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga ka-barangay na nakilahok at sumuporta sa ating isinagawang programa. Ang inyong aktibong pakikibahagi ang naging susi sa tagumpay ng ating selebrasyon.

Maraming salamat din sa ating mga hurado, Ludy Abrantes at Evee Gayle Tan sa inyong oras, dedikasyon, at patuloy na suporta sa aming barangay.

Lubos din ang aming pasasalamat sa Team Calixto sa walang sawang pagtugon sa aming mga pangangailangan. Maraming salamat din kina:
🍜 Konsehal Jhaz Advincula – para sa masarap na lomi
🥤 Konsehal Tonyo Cuneta – para sa taho
🧁 Konsehal Ding Del Rosario – para sa cupcakes at juice

Congratulations sa lahat ng lumahok sa ating Nutrition Month Cooking Contest! Ang inyong mga talento at malikhaing paghahanda ng masusustansyang pagkain ay tunay na kahanga-hanga.

At isang malaking pagbati rin sa mga batang nagwagi sa ating Coloring Contest! Patuloy ninyong ipakita ang inyong husay at pagkamalikhain.

Muli, maraming salamat sa inyong lahat! Sama-sama nating itaguyod ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa ating kalikasan para sa mas malusog at mas maunlad na komunidad. 💚🌿🍎

Interfacing with Pasay City Barangays on DILG Memorandum Circular No. 2026-021: Inventory and Turnover of Barangay and S...
22/07/2026

Interfacing with Pasay City Barangays on DILG Memorandum Circular No. 2026-021: Inventory and Turnover of Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Properties Following the 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), with the Punong Barangays, Barangay Secretaries, and Barangay Treasurers.

Bukas na po, mga kabarangay! 🍆🧅🧄🌶️🫛🫑🥚🥛Makilahok, makisali, at mag-uwi ng masusustansiyang pagkain tulad ng sangkap ng pa...
18/07/2026

Bukas na po, mga kabarangay! 🍆🧅🧄🌶️🫛🫑🥚🥛

Makilahok, makisali, at mag-uwi ng masusustansiyang pagkain tulad ng sangkap ng pakbet, kalahating dosenang itlog, at gatas!

🕗 Kita-kits po tayo bukas, 8:00 AM, sa ating Nutrition Month Celebration. Huwag palampasin ang masaya at makabuluhang programa!

See you, mga kabarangay!

Address

#211 H. Domingo Street
Pasay City
1302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Office of Barangay 81 Zone 10 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share