Barangay 172 Zone 17

Barangay 172 Zone 17 The Official page of Barangay 172 Zone 17 Malibay, Pasay City.

CLEAN-UP DRIVE | BARANGAYIsinagawa ang isang Clean-Up Drive sa ating Barangay bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para...
05/09/2026

CLEAN-UP DRIVE | BARANGAY

Isinagawa ang isang Clean-Up Drive sa ating Barangay bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng ating kapaligiran.

Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at naglaan ng oras at pagsisikap para sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, patuloy nating mapangangalagaan ang isang malinis at maayos na pamayanan.

Sama-sama para sa malinis, maayos, at mas ligtas na Barangay!

FLAG RAISING CEREMONY | LUNESIsinagawa nitong Lunes ang ating regular na Flag Raising Ceremony sa Barangay, bilang pagpa...
05/09/2026

FLAG RAISING CEREMONY | LUNES

Isinagawa nitong Lunes ang ating regular na Flag Raising Ceremony sa Barangay, bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa ating bayan.

Patuloy nating isabuhay ang mga pagpapahalaga sa pagiging responsableng mamamayan at makiisa sa mga gawaing naglalayong mapanatili ang pagkakaisa at pagkakabuklod ng ating komunidad.

Mabuhay ang ating Barangay! Mabuhay ang Pilipinas!

SERBISYONG MEDIKAL, MAS MALAPIT AT MAS ABOT-KAYA SA LAHAT. Sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP, maaaring makinabang ang m...
04/09/2026

SERBISYONG MEDIKAL, MAS MALAPIT AT MAS ABOT-KAYA SA LAHAT.

Sa pamamagitan ng PhilHealth YAKAP, maaaring makinabang ang mga kwalipikadong miyembro sa mga sumusunod na serbisyo:

• Libreng konsultasyon sa doktor
• Libreng laboratory at diagnostic tests
• Libreng prescribed medicines sa ilalim ng GAMOT Program
• Libreng patient registration
• Health monitoring at follow-up care

Magparehistro na sa eGovPH App at piliin ang YAKAP Clinic ng Med IQ Healthcare and Diagnostics.

🇵🇭 Araw ng mga Pambansang BayaniNgayong National Heroes Day, ating alalahanin at parangalan ang mga bayaning nag-alay ng...
31/08/2026

🇵🇭 Araw ng mga Pambansang Bayani

Ngayong National Heroes Day, ating alalahanin at parangalan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at pagmamahal para sa ating kalayaan.

Hindi lamang sila bayani ng kasaysayan—sila ay inspirasyon upang tayo rin ay maging bayani sa sariling paraan: sa paggawa ng tama, pagtulong sa kapwa, at pagmamahal sa ating bayan.

Mabuhay ang mga Bayani ng Pilipinas!

30/08/2026

Isinagawa ang pamamahagi ng BBM Scholarship para sa mga piling estudyante ng Barangay 172 na nag-qualify sa programang inilunsad ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Layunin ng programang ito na makatulong sa ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Congratulations sa ating mga BARANGAY 172 BBM Scholars!

IMPORTANT ANNOUNCEMENTIpinababatid po sa lahat na ang nakatakdang Oriental Medical Mission bukas, August 30, 2026, sa Ma...
29/08/2026

IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Ipinababatid po sa lahat na ang nakatakdang Oriental Medical Mission bukas, August 30, 2026, sa Marcelo Marcela Elementary School ay kanselado dahil sa matinding pag-ulan at hindi magandang kondisyon ng panahon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Patuloy po tayong mag-ingat at manatiling ligtas!

💚 LIBRENG MEDICAL MISSION! 🩺Tara at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan!📅 Agos...
28/08/2026

💚 LIBRENG MEDICAL MISSION! 🩺

Tara at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan!

📅 Agosto 30, 2026 | Linggo
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Marcela Marcelo Elementary School Covered Court

•Acupuncture
• Massage
• Bone Setting
• Ventosa
• Maxibustion Pneumonia & Flu Vaccination Legal Advice

Handog ni Mayor Emi Calixto-Rubiano

Kalusugan Mo, Prayoridad Namin!

🇵🇭 Pagpupugay sa Watawat, Pagkakaisa ng Mamamayan! 🇵🇭Isinagawa nitong nakaraang Lunes ang ating regular na Flag Ceremony...
27/08/2026

🇵🇭 Pagpupugay sa Watawat, Pagkakaisa ng Mamamayan! 🇵🇭

Isinagawa nitong nakaraang Lunes ang ating regular na Flag Ceremony sa ating barangay bilang pagpapakita ng paggalang sa ating pambansang watawat at pagmamahal sa bayan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pag-awit ng Lupang Hinirang at panunumpa sa watawat, patuloy nating pinapalakas ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at pagiging responsableng mamamayan.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa makabuluhang seremonyang ito. Sama-sama nating itaguyod ang pagkakaisa at serbisyo para sa ating barangay.

📢 ANUNSYO SA MGA RESIDENTE NG GERONIMO STREETIpinapaalam po sa lahat ng residente ng Geronimo Street, sakop ng Barangay ...
26/08/2026

📢 ANUNSYO SA MGA RESIDENTE NG GERONIMO STREET

Ipinapaalam po sa lahat ng residente ng Geronimo Street, sakop ng Barangay 172 at Barangay 173, na ang nakatakdang road concreting work ngayong araw ay KANSELADO muna.

Ayon sa abiso mula sa CALIMBAS Construction Inc., kinakailangang ipagpaliban ang trabaho dahil sa hindi magandang kondisyon ng panahon at conflict sa truck schedule/logistics.

Magbibigay po ng panibagong abiso ang contractor tungkol sa bagong schedule ng concreting work.

Humihingi po kami ng pang-unawa at pasensya sa lahat ng maaapektuhan. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

Barangay 172 & Barangay 173
Para sa kaligtasan at maayos na pagpapatupad ng proyekto.

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE🚧 PAGBUBUHOS NG SEMENTO 🚧GERONIMO STREETIpinababatid po sa mga residente na magkakaroon ng PAG...
26/08/2026

📢 PAALALA SA MGA RESIDENTE
🚧 PAGBUBUHOS NG SEMENTO 🚧
GERONIMO STREET

Ipinababatid po sa mga residente na magkakaroon ng PAGBUBUHOS NG SEMENTO bilang bahagi ng isinasagawang Road Rehabilitation Project sa Geronimo Street, na sakop ng Barangay 172 at Barangay 173.

📅 Petsa: Agosto 26, 2026
⏰ Oras: 10:00 PM – 6:00 AM

⚠️ PAALALA:
Pansamantalang isasara/ihaharang ang bahagi ng kalsada habang isinasagawa ang trabaho.
Iwasang dumaan o pumarada sa lugar ng construction.
Mangyaring makipagtulungan at sundin ang mga safety signs at instructions ng mga nakatalagang personnel.
Humingi po ng pang-unawa sa maaaring abalang maidulot ng proyekto.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa at kooperasyon.

BARANGAY 172 & BARANGAY 173

Para sa mas maayos, ligtas at matibay na kalsada!

Address

Malibay
Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 172 Zone 17 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share