30/03/2026
๐ Womenโs Month Celebration 2026 | Pasay City ๐
Isang makabuluhan at punong-puno ng inspirasyon na pagdiriwang ang ginanap sa Le Parc Event Hall, Pasay City mula ika-3 ng hapon hanggang ika-7 ng gabi bilang bahagi ng selebrasyon ng Womenโs Month.
Pinagsama-sama sa okasyong ito ang ibaโt ibang sektor ng mga kahanga-hangang kababaihan ng Pasayโmga babaeng patuloy na nagbibigay ng makabuluhang ambag at nagsisilbing inspirasyon sa kanilang komunidad. Sa programang ito, binigyang-parangal ang kanilang dedikasyon, husay, at malasakit sa kapwa.
Alinsunod sa temang โWE for Gender Equality and Inclusive Societyโ at sub-theme na โLead Like the Babaylans, Filipinas!โ, tampok ang HerStory: Honoring Pasayeรฑo Women of Impactโang kauna-unahang pagkilala sa mga natatanging kababaihan sa lungsod ng Pasay.
Ang selebrasyong ito ay hindi lamang pagkilala, kundi isang paalala na ang kababaihan ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas makatarungan at maunlad na lipunan.
Nagbigay rin ng inspirasyon ang โIna ng Lungsod,โ si Mayor Emi Calixto-Rubiano, na kinilala bilang isa sa 100 Most Outstanding Women Leaders, at patuloy na isinusulong ang kanyang adbokasiya na โSerbisyong Tapat higit pa Sapat na Paglilingkod, Pasay.โ
๐ช๐ Patuloy nating ipagdiwang ang lakas, talino, at puso ng bawat babae!