08/07/2026
ISANG PAUNAWA
Ang tanggapang ito ay nakatanggap ng impormasyon na may mga kumakalat na ulat na may mga pekeng marriage license na nagamit sa kasal sa pagitan ng mga Chinese citizens at Filipino citizens, at ang ilan ay diumano'y inisyu sa Lungsod Pasay.
Bilang tugon sa beripikasyon ng ilang apektadong ikinasal, ang tanggapang ito ay nag-isyu ng mga sertipikasyon hinggil sa kawalan ng tala or record ng Application for Marriage License ng mga diumano'y "marriage license".
Pinapaalalahanan ang publiko na sa mga bagay patungkol sa tala ng kapanganakan, kasal, at kamatayan, mas mainam na direktang pumunta sa Local Civil Registry Office para sa tamang impormasyon upang maiwasan ang pagsasamantala ng mga walang prinsipyong grupo o indibidwal.
Para sa inyong tamang gabay.