30/05/2026
TESTIMONIAL | National ID Mobile Registration
“Malaking tulong sa aming lugar ang pagkakaroon ng mobile registration dahil hindi na kailangang lumayo ng mga tao, lalo na ang mga senior citizen at mga bata, para makapagparehistro sa National ID, lalo na ngayong sobrang init ng panahon.”
Ito ang ibinahaging karanasan ni Marlon Chua, Barangay Kagawad ng Barangay Talon Singko, Lungsod ng Las Piñas, kaugnay ng isinagawang National ID Mobile Registration sa kanilang komunidad.
Patuloy na inilalapit ng Philippine Statistics Authority – NCR Provincial Statistical Office V (PSA-NCR PSO V) ang mga serbisyo ng National ID sa mga barangay upang mas maging madali, mabilis, at accessible ang pagpaparehistro para sa lahat ng Pilipino, lalo na sa mga sektor na may limitadong kakayahang bumiyahe.
Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta sa National ID Program!