09/09/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ญ: ๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐๐๐จ ๐๐ญ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐
๐จ๐จ๐ ๐๐๐๐ค๐ฌ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฒ
PASACAO, CAMARINES SUR โ Mabilisang nagtungo at nagpamahagi ng DSWD food packs ang Lokal na Pamahalaan ng Pasacao sa pamumuno ni Mayor Niรฑo Tayco, sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Provincial Government ng Camarines Sur sa ilalim nina Gov. LRay Villafuerte at Cong. Luigi Villafuerte sa mga baybaying Barangay ng Tinalmud, Dalupaon, Sta. Rosa Del Sur, at San Cirilo ngayong Setyembre 9, 2026, upang maghatid ng agarang tulong sa mga pamilya at mangingisdang naapektuhan ng hanging habagat.
Sa kabila ng katatapos lamang na 10-araw na pagdiriwang ng 25th Pasa-Pasa Ikaw Festival at 141st Town Fiesta, pati na rin ang pagiging pampublikong walangkpasok o holiday ngayong araw, maagang binuo ng pamahalaang lokal ang relief operations upang matiyak na hindi mapapabayaan ang mga pamilyang nahihirapan dahil sa masamang panahon at malalaking alon.
Pangunahing naisakatuparan ang pamamahagi sa apat na coastal barangays kung saan karamihan sa mga residente ay umaasa sa pangingisda bilang pangunahing kabuhayan:
* Naabot na mga Barangay: Tinalmud, Dalupaon, Sta. Rosa Del Sur, at San Cirilo.
* Susunod na Iskedyul: Tiniyak ng LGU Pasacao na isusunod agad sa relief distribution schedule ang dalawa pang baybaying barangayโang Balogo at Caranan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamahalaang lokal sa DSWD at sa Provincial Government ng Camarines Sur sa kanilang walang-sawang pagsuporta at pagkakaloob ng mga kinakailangang ayuda para sa mga Pasaqueรฑo.
Binigyang-diin ng LGU Pasacao na walang kapaguran ang pamahalaan kapag ang kapakanan at seguridad ng mga mamamayanโlalo na ng mga mangingisdaโang nakataya.
Follow us!
๐
๐๐๐๐๐จ๐จ๐ค: Pasacao News Express
๐๐ข๐ค๐ญ๐จ๐ค: .news.expr