Mayor Edwin L. Olivarez

Call Directions Contact the organization

Mayor Edwin L. Olivarez Official page of Mayor Edwin L. Olivarez, City of Parañaque

Paalala mula sa City Government of Parañaque ngayong Undas 2026:Sa ating paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay n...
25/10/2026

Paalala mula sa City Government of Parañaque ngayong Undas 2026:

Sa ating paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay ngayong, narito ang mga gabay at alituntunin na ipapatupad para sa mas ligtas at maayos na pagdalaw sa mga sementeryo.

Pinapaalalahanan naming ang lahat na maging maingat at alerto sa lahat ng oras upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.

Para sa mga nangangailangan ng agarang tulong, tumawag sa mga sumusunod na emergency hotline numbers:
☎️ Landline: 8820-PQUE (7783)
☎️ Landline: 911
📱 Mobile phone no.: 09209833252

‎
‎
‎

ABISO PUBLIKO | Paalala sa mga motorista at kababayan natin na dadalaw sa mga mahal nila sa buhay ngayong undas. Narito ...
25/10/2026

ABISO PUBLIKO | Paalala sa mga motorista at kababayan natin na dadalaw sa mga mahal nila sa buhay ngayong undas. Narito ang traffic plan sa Parañaque Public Cemetery.

Planuhin na agad ang biyahe. Sumunod sa ating traffic advisories. Higit sa lahat, mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras.

Dalangin ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Parañaque ang isang mapayapang undas sa bawat Parañaqueño.

‎
‎
‎

Isang malaking karangalan ang muling nakamit ng ating Lungsod matapos po tayo kilalanin ng Department of Trade and Indus...
24/10/2026

Isang malaking karangalan ang muling nakamit ng ating Lungsod matapos po tayo kilalanin ng Department of Trade and Industry bilang Consumer Welfare Champion.

Sa loob ng tatlong dekada, ipinakita po ng ating lokal na Pamahalaang Lungsod ng Parañaque, sa pamamagitan ng Consumer Welfare Office, ang tunay na malasakit natin sa mga mamimimili sa pamamagitan ng pagsulong ng mga programang nagbibigay ng proteksyon at empowerment ng ating mga mamimili.

Patuloy po natin isusulong ang mas mataas na pamantayan at mas malawak na consumer awareness upang matiyak na ang bawat mamimili ay ligtas, may kumpiyansa, at may kakayahang gumawa ng matalinong desisyon para sa kanilang kapakanan.

Congratulations, Parañaque City!

‎
‎
‎

23/10/2026

Naging matagumpay ang 10th Senior Citizens Congress, kung saan nagtipon ang mga opisyal ng iba't ibang Senior Citizens' Association sa Lungsod mula Oct. 20-22, 2026, sa Parañaque City Sports Complex.

Sa ilalim ng temang, "Senior Citizen sa Bagong Panahon: Malusog, Ligtas sa Kapaligiran at Aktibo sa Pamayanan," binigyang-pugay ng lokal na Pamahalaang Lungsod ang aktibong pakikilahok ng ating mga nakakatanda sa mga programa at proyekto.

Bawat isa sa inyo ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating komunidad. At gaya ng tema ngayong taon, sa kabila ng makabagong panahon, nananatili pa rin ang inyong mahalagang papel sa ating Lungsod.

Patuloy po tayo sa pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan ng ating senior citizens upang matiyak na kayo po ay may masiglang pamumuhay, proteksyon, at pagkalinga mula sa lokal na Pamahalaang Lungsod.

‎
‎
‎

Nakipagpulong po tayo sa mga tauhan ng Presidential Security Command na bumisita nitong Martes upang iugnay ang kanilang...
23/10/2026

Nakipagpulong po tayo sa mga tauhan ng Presidential Security Command na bumisita nitong Martes upang iugnay ang kanilang paghahanda para sa parating na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at mga kaugnay na aktibidad.

Mahalaga po ang koordinasyon ng PSC sa City of Parañaque dahil tayo ay isa sa dalawang lungsod na nakakasakop sa Ninoy Aquino International Airport, may mga daan na maaaring tahakin ng ating mga bisita, at may mga accomodation na posible nilang tuluyan.

Tulung-tulong po tayo na gawing maayos at matagumpay ang ASEAN Summit at mga kaugnay nitong aktibidad, bilang bahagi ng layunin ng ating lungsod na makahikayat ng mas marami pang investor.

‎
‎
‎

Nitong Lunes, atin pong binigyang-pugay ang dalawang indibidwal na nagkaroon ng malaking ambag sa ating Lungsod.Iginawad...
23/10/2026

Nitong Lunes, atin pong binigyang-pugay ang dalawang indibidwal na nagkaroon ng malaking ambag sa ating Lungsod.

Iginawad po natin ang pagkilala kay FSupt. Liher Barrios para sa kanyang isang taong paglilingkod bilang Fire Marshall natin dito sa Parañaque City. Ang kanyang dedikasyon sa paghahatid ng serbisyo para sa kaligtasan at kaayusan ng ating Lungsod ay nagsilbing gabay sa ating mga kababayan upang maging mas ligtas at handa sa anumang sakuna.

Kinilala rin po natin si Hon. Leilani Marie N. Dacanay-Grimares para sa kanyang pagkakahirang bilang isa sa mga bagong Associate Justice ng Court of Appeals. Bilang dating Executive Judge ng ating Regional Trial Court sa Lungsod, naging katuwang natin si Hon. Grimares sa pagsusulong ng katarungan.

Ang kanilang mga tagumpay at kontribusyon ay inspirasyon para sa atin na makapaghatid ng serbisyong mas mahusay at may malasakit.

Mabuhay po kayo, FSupt. Barrios at Associate Justice Grimares!

‎
‎
‎

22/10/2026

Sinimulan na ang pag-rehistro sa mga pamilyang babahagian ng taunang Pamaskong Handog, isa sa mga pinaka-aabangang tradisyon ng Pamahalaang Panglungsod na tila naging hudyat na rin para sa mga Parañaqueño na palapit na ang Pasko.

Sa ikalawang araw ng tagging at pamimigay ng ticket, nagtungo ang mga kawani ng Urban Mission Areas and Development Office at Special Services Office sa Purok 1 at 2 ng Silverio Compound, Brgy. San Isidro.

Patuloy pong mag-iikot sa lungsod ang mga kawani ng dalawang tanggapan sa mga susunod na araw para magrehistro.

‎
‎
‎

Isang makabuluhang araw ang ating ipinagdiwang nitong Martes kasama ang ating mga mahal na lolo’t lola sa 10th Senior Ci...
22/10/2026

Isang makabuluhang araw ang ating ipinagdiwang nitong Martes kasama ang ating mga mahal na lolo’t lola sa 10th Senior Citizens Congress Association of Parañaque City, na may temang "Senior Citizen sa Bagong Panahon: Malusog, Ligtas sa Kapaligiran at Aktibo sa Pamayanan."

Nakakatuwa pong makita ang sigla at aktibong pakikilahok ang ating mga nakakatanda na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa ating komunidad. Tunay na isinasabuhay ninyo ang tema ng Congress na ito, na sa kabila ng makabagong panahon, nananatili pa rin ang inyong mahalagang papel sa ating Lungsod.

Patuloy po tayo sa pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan ng ating senior citizens upang matiyak na kayo po ay may masiglang pamumuhay, proteksyon, at pagkalinga mula sa lokal na Pamahalaang Lungsod.

‎
‎
‎

ABISO PUBLIKO | Sa mga residente ng Barangay Don Bosco na nakapagparehistro ng kanilang HELP Citizen Card hanggang July ...
22/10/2026

ABISO PUBLIKO | Sa mga residente ng Barangay Don Bosco na nakapagparehistro ng kanilang HELP Citizen Card hanggang July 31, 2026, maaari nang makuha ang inyong card sa mga sumusunod na detalye:

🗓️ October 23-24, 2026 (Friday and Saturday)
🕒 Mula 8:00 AM - 5:00 PM
📍 Parañaque City Hall Foyer

Dalhin lamang ang government-issued ID para sa pagkakakilanlan.

📝 Paalala: Para sa hindi makakapunta nang personal, magpadala ng authorization letter na pirmado ng card holder, kalakip ang valid government-issued ID ng card holder at ng authorized representative.

‎
‎
‎

Pagpupugay sa ating bagong Fire Marshall, FSupt. Alexander Dale Q. Baena! Sa ating People's Day ngayong Lunes, atin pong...
22/10/2026

Pagpupugay sa ating bagong Fire Marshall, FSupt. Alexander Dale Q. Baena!

Sa ating People's Day ngayong Lunes, atin pong mainit na tinanggap si FSupt. Alexander Dale Q. Baena, ang bagong Fire Marshall ng Lungsod ng Parañaque.

Sa kanyang pagbisita, tinalakay natin ang mga hakbang upang higit pang mapalakas ang koordinasyon ng Bureau of Fire Protection at ng Pamahalaang Lungsod pagdating sa disaster preparedness, fire safety awareness, at mabilis na pagtugon sa mga insidente.

Matatandaan po natin na unang nagsilbi si FSupt. Baena mula 2024 hanggang 2025, kung saan kanyang pinangunahan ang iba't ibang programa para sa kaligtasan at kaayusan ng ating Lungsod.

Ikinagagalak po natin na makasama kayo muli bilang katuwang sa patuloy na pagsusulong ng seguridad at kapakanan ng bawat Parañaqueño.

Makakaasa po kayo sa patuloy na pagsuporta ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa ating Bureau of Fire Protection - Parañaque City.

‎
‎
‎

Address

9/F Legislative Building Parañaque City Hall
Parañaque
1715

Telephone

+63284031256

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Edwin L. Olivarez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mayor Edwin L. Olivarez:

Shortcuts

Share