22/04/2026
April 21, 2026
Benchmarking Visit of Barangay Sun Valley to Barangay Don Bosco: "Strengthening Lupon Services and Advancing LTIA Excellence"
Magandang araw po sa inyong lahat.
Kami po mula sa Barangay Don Bosco, sa pamumuno ng aming butihing Punong Barangay na si Kapitan Mar Jimenez, ay taos-pusong bumabati at nagpapasalamat sa Barangay Sun Valley sa kanilang pagbisita at pagpili sa aming barangay bilang benchmark partner.
Isang karangalan po para sa amin na maibahagi ang aming mga inisyatibo at programa, partikular sa larangan ng Lupong Tagapamayapa. Ang aming mga hakbang ay nakatuon sa pagpapalakas ng mediation at conciliation processes, maayos na case documentation at tracking, pati na rin ang patuloy na capacity building ng aming mga lupon members upang masigurong episyente, patas, at maagap ang pagresolba ng mga usapin sa komunidad.
Ilan sa mga aming ipinapatupad na programa ay kinabibilangan ng mas sistematikong case management, regular na monitoring ng mga kaso upang maiwasan ang backlog, at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa proseso ng barangay justice system. Naniniwala kami na ang transparency, consistency, at malasakit sa kapwa ang susi sa matagumpay na pagpapatupad ng aming mga serbisyo.
Kami po ay natutuwa na maibahagi ang aming mga karanasan at best practices na maaaring makatulong sa Barangay Sun Valley sa kanilang layunin na mapabuti ang kanilang lupon services at mapataas ang kanilang LTIA metrics.
Umaasa rin po kami na ang ganitong uri ng benchmarking ay magbubukas ng mas matibay na ugnayan at patuloy na palitan ng kaalaman sa pagitan ng ating mga barangay, tungo sa mas maayos, mapayapa, at maunlad na pamayanan.
Maraming salamat po and God Bless Barangay Don Bosco!