27/08/2026
𝐏𝐀𝐇𝐀𝐘𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 (𝐍𝐂𝐒𝐂) 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐒𝐇 𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒
Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakatakdang magsagawa ang National Commission of Senior Citizens–National Capital Region (NCSC-NCR) ng malawakang cash gift distribution simula September 2, 2026. Layunin nitong mapabilis ang pamamahagi ng cash gift sa mga kwalipikadong senior citizens na edad 80, 85, 90, 95, at 100, alinsunod sa Expanded Centenarians Act.
Ayon kay NCSC Chairperson and Chief Executive Officer Atty. Ma. Merceditas N. Gutierrez, patuloy ang NCSC sa pagbibigay serbisyo para sa mga nakatatanda.
“Ang bawat senior citizen na kwalipikado sa cash gift ay dapat mapaglingkuran nang mahusay at may dignidad. Sa kabila ng mga hamon, patuloy na kikilos ang NCSC kasama ang mga LGUs, volunteers at iba bang katuwang upang matiyak ang tamang serbisyo”, pahayag ni Atty. Gutierrez.
Para sa implementasyon ngayong taon, as of 26 August 2026, nakapamahagi na ang NCSC ng mahigit ₱𝟏.𝟗 𝐛𝐢𝐥𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧𝐠 𝟏𝟕𝟗,𝟓𝟐𝟗 𝐬𝐞𝐧𝐢𝐨𝐫 𝐜𝐢𝐭𝐢𝐳𝐞𝐧𝐬, na may sumusunod na breakdown:
80 y/o: 𝟗𝟓,𝟒𝟔𝟒
85 y/o: 𝟓𝟒,𝟒𝟔𝟒
90 y/o: 𝟐𝟐,𝟔𝟖𝟐
95 y/o: 𝟔,𝟎𝟓𝟐
100 y/o: 𝟏,𝟐𝟒𝟎
Bagama’t nananatiling hamon sa ahensya ang kakulangan sa bilang ng mga tauhan, limitadong resources gaya ng mga sasakyan, at kakulangan sa budget para sa operations, tinitiyak ng NCSC na responsable nitong nagagawa ang mga kinakailangang hakbang upang maipamahagi ang cash gift sa mga kwalipikadong benepisyaryo nang mabilis, maayos, at naaayon sa mga itinakdang alituntunin.
Kabilang sa mga hakbang na isasagawa ng NCSC ang sumusunod:
1. Mas masusing koordinasyon sa mga Local Government Units (LGUs);
2. Pagtanggap ng mga senior citizen at LGU volunteers upang makatulong sa proseso ng validation of applications;
3. Pagsasagawa at pagpapalawig ng Electronic Fund Transfer (EFT) bilang mas mabilis na paraan ng pagbibigay ng cash gift; at
4. Pakikipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagdevelop ng online application gamit ang eGovPH App.
Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa NCSC sa pamamagitan ng sumusunod:
𝐂𝐨𝐧𝐭𝐚𝐜𝐭 𝐍𝐮𝐦𝐛𝐞𝐫(𝐬): (02) 8567-5646 / 0962-2743-622
𝐄𝐦𝐚𝐢𝐥: [email protected]
𝐖𝐞𝐛𝐬𝐢𝐭𝐞: www.ncsc.gov.ph.