Jeremy S. Marquez

Directions Website

Jeremy S. Marquez Journey to Excellence
Tara, sama-sama, Kaya natin! Proverbs 3 NLT
Trusting in the Lord

Ad majórem Dei glóriam

07/10/2026
Trust the timing. Keep doing what is right, keep moving forward and let God take care of the rest. 🙏
07/10/2026

Trust the timing. Keep doing what is right, keep moving forward and let God take care of the rest. 🙏

Happy birthday, Daddy! ❤️ Thank you for your love, guidance and everything you do for our family. Wishing you good healt...
07/10/2026

Happy birthday, Daddy! ❤️ Thank you for your love, guidance and everything you do for our family. Wishing you good health, happiness and many more blessed years ahead. We love you! 🎂

06/10/2026

Trust in the Lord in everything you do. Every victory gives us something to be grateful for and every defeat gives us something to learn from. What matters is that we keep the faith, learn from every experience and come back stronger and wiser tomorrow.

True change is not simply about doing something new. It is about learning, improving and adapting. It is choosing, every day, to become a better version of ourselves than we were yesterday.

ONLINE PRE-REGISTRATION IS NOW OPEN! 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗙 𝗛𝗢𝗠𝗘𝗦’ 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗚𝗜𝗙𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗪𝗗𝘀 𝗔𝗧 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦 💙Open na ang onli...
06/10/2026

ONLINE PRE-REGISTRATION IS NOW OPEN!
𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗙 𝗛𝗢𝗠𝗘𝗦’ 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗚𝗜𝗙𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗪𝗗𝘀 𝗔𝗧 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦 💙

Open na ang online pre-registration para sa Cash Gift Program ng Barangay BF Homes, alinsunod sa Ordinance Nos. 2 at 3, Series of 2026.

Ive-verify ang inyong impormasyon bilang paghahanda sa pamamahagi ng ATM cards para sa pagtanggap ng cash gift.

𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗜𝗡𝗞𝗦:
✅ 𝗙𝗢𝗥 𝗣𝗪𝗗𝘀: https://forms.gle/RBHTEwiMAT1szJQz8

✅ 𝗙𝗢𝗥 𝗦𝗢𝗟𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗦: https://forms.gle/vJM4GfqiVQRfCaRi8

Sagutan ang form, i-upload ang kinakailangang dokumento, at suriin ang inyong mga sagot bago i-submit.

𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡?
May onsite assistance simula October 12, 2026, tuwing Monday to Thursday, 8:00 AM to 5:00 PM, sa Parking Area, Annex Building, Barangay BF Homes.
Dalhin ang mga kinakailangang dokumento.

𝗠𝗔𝗚-𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗖𝗧𝗢𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲

Basahin ang mga larawan para sa qualifications, registration steps, at mahahalagang paalala.

Sama-sama, kaya natin!




𝗟𝗨𝗡𝗖𝗛 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗗𝗖 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦! 💙October 5, 2026Bilang pagdiriwang ng World Teachers’ Day, naghandog ang Baranga...
05/10/2026

𝗟𝗨𝗡𝗖𝗛 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗗𝗖 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥𝗦! 💙
October 5, 2026

Bilang pagdiriwang ng World Teachers’ Day, naghandog ang Barangay BF Homes, sa pangunguna ni Kap. Jeremy S. Marquez, ng lunch treat para sa mahigit 40 g**o mula sa 15 Child Development Centers (CDCs) ng barangay sa Sumo Niku, BF Homes.

Isang masayang salu-salo bilang pasasalamat sa kanilang tiyaga, malasakit, at dedikasyon sa paggabay sa ating mga batang BF Homes sa kanilang unang hakbang sa pagkatuto.

Sa ating CDC teachers, salamat sa araw-araw na pag-aaruga at pagtuturo. Happy World Teachers’ Day! 📚✨

Teachers, nabusog ba sa ating lunch treat?
Share naman ng inyong favorite sa Sumo Niku! 😋👇





𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗙 𝗛𝗢𝗠𝗘𝗦 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 🇵🇭October 5, 2026Sama-samang sinalubong ng Barangay BF Homes ang bagong linggo sa Flag C...
05/10/2026

𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗕𝗙 𝗛𝗢𝗠𝗘𝗦 𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 🇵🇭
October 5, 2026

Sama-samang sinalubong ng Barangay BF Homes ang bagong linggo sa Flag Ceremony ngayong October 5, 2026.

Naging bahagi rin ng pagtitipon ang pagbati kina Punong Barangay Jeremy S. Marquez at Cong. Brian Yamsuan, na kapwa nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong Oktubre. Hangad natin ang kanilang mabuting kalusugan at patuloy na sigla sa paglilingkod sa ating komunidad.

Bilang pagdiriwang ng World Teachers’ Day, kinilala rin ang ating mga g**o at Child Development Workers para sa kanilang tiyaga, malasakit, at dedikasyon sa paghubog ng ating mga kabataan. Salamat sa bawat aral at inspirasyong ibinabahagi ninyo!

Sama-sama, kaya natin! 💙

𝟵𝟭𝟭 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗦𝗕𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗙 𝗛𝗢𝗠𝗘𝗦 🚒🫡October 5, 2026 Isinagawa rin kaninang u...
05/10/2026

𝟵𝟭𝟭 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗦𝗕𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗘 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗙 𝗛𝗢𝗠𝗘𝗦 🚒🫡
October 5, 2026

Isinagawa rin kaninang umaga, October 5, 2026, ang blessing ng 911 fire truck sa Barangay BF Homes, kasama sina Punong Barangay Jeremy S. Marquez at Cong. Brian Yamsuan, mga opisyal ng barangay, at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa pamamagitan ng pagsisikap ni Cong. Brian Yamsuan, natupad ang anim na taong paghahangad na magkaroon ng karagdagang fire truck na magsisilbi sa komunidad ng BF Homes.

Nakiisa sa seremonya sina FSUPT Liher L. Barrios, City Fire Marshal, at FINSP Jojo D. Madrigal, Chief, Fire Engine Company, BF Homes Fire Station. Pinangunahan naman ni Pastor Richie ang pagbabasbas.

Matapos ang blessing, tiningnan ng mga opisyal ang fire truck at mga kagamitan nito na makatutulong sa pagtugon sa sunog at pagprotekta sa buhay at ari-arian.

Patuloy ang pagtutulungan ng Barangay BF Homes at BFP para sa kaligtasan ng komunidad. Hinihikayat ang mga residente na makiisa sa pag-iwas sa sunog, panatilihing maluwag ang mga daanan para sa mga emergency vehicle, at agad iulat ang mga emergency.

Sama-sama, kaya natin! 💙





05/10/2026

Start the week with a grateful heart and a purpose to make someone’s day a little better.💙

Address

Barangay BF Homes
Parañaque

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jeremy S. Marquez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share